^

Pang Movies

Nadine kakayaning wala si James?!

Jun Nardo - Pang-masa

Paagaw ang clues ni Arnold Clavio sa kanyang blind item sa radio prog­ram nila sa DZBB kahapon. Tungkol ito sa isang young actor na nahuling kahalikan ang isang young actress na anak ng mga artista.

Ang clues ay dinaanan sa mga kantang Lady In Red, Julia at iba pa. Pero tinext namin si Ali Sotto para sabihing huwag nang i-blind item sina James Reid at Julia Barretto, huh! Eh, dinenay na ito ni James at lumabas nga ang pagiging pikon niya sa item na ‘yon.

Siyempre nga naman, nagmumukhang kawawa tuloy ang ka-loveteam niyang si Nadine Lustre sa mga luma­labas na tsismis sa kanya.

Baka hindi alam ni James na nakakatulong din si Nadine para lumawak ang kasikatan niya, huh!

Kaya hindi nagtataka ang marami na kung sakaling hindi na mapigilan si James na lumandi sa ibang babae, mas aangat pang lalo ang kasikatan ni Nadine once mabuwag na ang kanilang loveteam, huh!

James should be more careful sa pakikipagkita niya sa ibang babae kung gusto niyang tumagal pa siya sa showbiz!

Kapatid ni Mayor HB, nagpaiksi ng buhok para sa eleksiyon

Tuluy na tuloy na ang kandidatura ni Hero Bautista, kapatid ni Mayor Herbert Bautista, bilang konsehal ng 4th District ng QC.

No wonder, pinaputulan na niya ang mahaba niyang buhok nang sumipot sa birthday treat ng Kuya Herbert niya kahapon sa Reminisque Bistro, Sct. Lozano, para sa buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.

Ayon kay Hero nang aming maka-chikahan, pumayag na kasi ang kuya niyang pasukin niya ang pulitika na dahilan ng pagpapaiksi ng buhok niya.

“Ilang beses nang sinabi sa akin noon ni Kuya na tatakbo ako. Kaso, biglang nagbabago ang isip niya. So pahahabain ko uli ang buhok ko. Usually, tatlong taon ‘yon. Pag sinabing takbo ako, pagupit ako. Pag nagbago ang isip niya, pahaba uli ako ng buhok ng tatlong taon!” paliwanag sa amin ni Hero.

Pero sa 2016, wala nang pigilan ang pagsulong ni Hero sa pulitika although ilang beses na siyang naging kagawad ng barangay nila.  Huling napanood ang actor sa Forevermore at sa ngayon, inaayos na niya ang script ng solo movie niyang Hoy Bulol na mula sa kanta ng Parokya ni Edgar.

Present din si Harlene sa birthday lunch na ‘yon. Ibinalita niyang sa February na ang showing ng Lumayo Ka Nga sa Akin kung saan bida sina Maricel Soriano at Mayor Herbert sa isang episode na idinirek ni Andoy Ranay.

Mag-asawang Mar at Korina nagpasiklab  

Naunang nagbigay ng Christmas Party sa entertainment press ang mag-asawang Mar Roxas at Korina Sanchez sa Novotel Resort & Condo sa Gateway, Cubao, last Wednesday.

Bukod sa masarap na food, may live band na tumugtog kung saan nagpasampol ng kani-kanilang boses sina Mar at Korina.

Present din ang actor-politicians na sumusuporta kay Mar bilang Presidente, sina Congressmen Alfred Vargas at Dan Fernandez. Nag-trio pa silang tatlo.

Ang hightlight ng party ay ang pagpapalabas ng music video ng kantang Fast Forward na kinanta nina Billy Crawford, Jay-R at Kris Lawrence. Present sa music video ang mga artistang susuporta kay Mar na sina Maricel Soriano, Carla Abellana, Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bilang Christmas gift ng mag-asawa, sinamahan nina Mar at Koring ng picture nila with personalized signature ang regalo nila sa press.

 

 

vuukle comment

ACIRC

ALFRED VARGAS

ALI SOTTO

ALIGN

ANDOY RANAY

ANG

LEFT

MARICEL SORIANO

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with