^

Pang Movies

Kuya Germs walang Star sa Walk of Fame!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

As expected, dinayo ng maraming fans ang paglalagay ng mga bagong “stars” sa Walk of Fame Philippines.

Lalong marami ang sumugod dahil sabay-sabay na inilagay sa Walk of Fame ang mga stars ng sikat na kalyeserye ng Eat Bulaga.

Dumating sina Maine Mendoza aka Yaya Dub, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

Si Alden Richards lang ang wala pero si Yaya Dub ang tumanggap ng kanyang maliit na trophy. Masama raw kasi talaga ang pakiramdam ni Alden kaya hindi siya nakasipot. Nag-alala naman ang mga fans nang malaman iyon kaya kailangan pa ang assurance ng tatay niya na inilabas sa social media na nagsasabing ok naman si Alden. Sobrang pagod nga lang siguro.

Marami ring iba pang stars na binigyan ng parangal sa Walk of Fame na naroroon. Ma­ging si Gabby Concepcion na matagal nang mayroong star doon, pero ngayon nga lang nagpunta at nakita iyon dahil noong ilagay naman iyon ay nasa abroad siya, dumating at nakipag-picture taking pa.

Sinasabi nga nila na siguro, iyang masama ang isang star sa Walk of Fame ay siyang pinakamahalaga talaga.

Hindi kasi iyan batay sa popularidad lamang ng isang artista. Iyan ay habang panahon nang pagkilala sa kanilang popularidad at kahusayan. Aba hindi ka naman malalagay sa Walk of Fame kung hotoy-hotoy ka lang.

Pero sinasabi nga nila na ang talagang panahon diyan sa Walk of Fame ay si Kuya Germs. Wala siyang star para sa kanyang sarili sa Walk of Fame, pero alam ng mga tao na hindi magkakaroon ng katuparan iyan kung ‘di dahil sa personal na sakripisyo ni Kuya Germs.

Mabuti ngayon ay may mga tumutulong na sa kanya, pero may panahong siya lamang mag-isa ang gumagawa ng lahat.

Pagod niya at gastos pa niyang lahat iyang Walk of Fame, dahil lamang sa gusto niyang bigyan ng pagkilala ang mga kapwa niya artista.

Marami raw manliligaw ina ni Pastillas Girl, sangkot sa ‘love triangle’ kaya pinapatay?!

Nagulat kami sa mga kuwentuhan na posible raw na “love triangle” ang motibo sa pagpatay sa nanay ni Pastillas Girl.

Marami palang manliligaw si Mommy Pastillas at gusto na raw makipag-break noon sa kasalukuyang boyfriend.

Ganoon pa man, sinasabing tatlong pa­ngalan ang ibinigay ni Pastillas Girl sa NBI ng mga posibleng may kinalaman sa pamamaslang sa Pastillas Mommy.

Iyon ang iniisip nilang anggulo, dahil simula raw noong magkalabuan na ang nanay niya at ang kasalukuyang boyfriend, madalas nang makatanggap ng text iyon na nagsasabing malapit na siyang mamatay at baka hindi na siya abutin ng Pasko.

Hindi nila pinansin ang mga banta. Siguro nga talagang bale wala lang sa kanya ang mga bantang ganoon dahil kung hindi, hindi naman siguro siya pupunta sa isang carinderia na madali siyang malapitan at madale.

Pero wala pang tinutukoy na gunman, dahil nakunan man ng CCTV, nakatakip naman ang mukha noon dahil sa suot na bullcap. Ang paniwala nila, ang gumawa ay isang hired gunman. Posible nga raw kasi na isang lover ang nagpatumba kay Mommy Pastillas.

Ang gulo ng kuwento ano, hindi kaya mas ok na ang pag-usapan na lang iyong disqualification ni Senador Grace Poe o iyong naging hatol kay Pemberton?

vuukle comment

ACIRC

ANG

DAHIL

FAME

HINDI

KUYA GERMS

MARAMI

MGA

MOMMY PASTILLAS

PASTILLAS GIRL

WALK OF FAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with