^

Pang Movies

Mga artwork sa bahay nina Richard at Lucy, milyun-milyon ang halaga!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang ganda ng bahay nina Richard Gomez at Lucy Torres sa Forbes Park. Nakadagdag sa kagandahan ng bahay ng mag-asawa ang mga artwork collection ni Richard na milyun-milyong piso ang halaga.

Kung ako man ang may-ari ng Forbes Park home nina Lucy at Richard, tatamarin na ako na lumabas ng bahay.

Mga permanent resident na ng Forbes Park ang Gomez family kaya open ang mag-asawa sa idea na ibenta ang bahay nila sa Greenhills na nasa likod lamang ng La Salle.

Vico nagkaroon ng hukbo ng fans dahil sa kalyeserye

Malakas ang karisma ni Vico Sotto kaya malaki ang tsansa niya na mahalal na konsehal ng Pasig City. Si Vico ang low profile na anak nina Vic Sotto at Coney Reyes na nagkaroon ng fans nang umapir siya noon sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Napag-usapan si Vico sa thanksgiving lunch namin ng magkapatid na Congressman Roman Romulo at Mons Romulo. Confident ang Romulo siblings na mananalo si Vico dahil qualified ito na maglingkod sa bayan. Ang sey ni Papa Roman, puwedeng mag-win si Vico, kahit hindi niya i-endorse ang kandidatura ng bagets.

Kung botante ako ng Pasig City, iboboto ko si Vico dahil ang mga bagets na katulad niya na may passion sa public service ang kailangan natin.

Dapat magparaya sa mga young politician ang mga may edad at ang mga trapo dahil nabigyan na sila ng chance na maluklok sa puwesto.

Concert tickets ni Sarah, ubusan na

Marami ang nagtatanong sa akin tungkol sa tickets para sa concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum sa darating na Biyernes at Sabado.

Sorry na lang sa mga nagtatanong dahil wala akong maibibigay. Sold out na ang tickets as in ubus na ubos na.

Kung napaaga ang pagtawag sa akin, baka sakaling natulungan ko ang mga naghahanap ng tickets. Kahit magtanong sila sa box office ng Smart Araneta Coliseum, sure ako na ganoon din ang sasabihin nila, sold out na ang tickets para sa From The Top.

Mar at Korina, may pa-Xmas party

Invited ako sa Christmas party for the press nina Mar Roxas at Korina Sanchez. Gabi ang event kaya hindi ako makakadalo sa early Christmas party for the press ng magdyowa na gaganapin sa newly-opened Novotel.

Type ko pa naman na makita ang bagong hotel sa Araneta Center na itinayo para malapit lang ang tutuluyan ng mga foreign artist na may concert sa Big Dome.

Baka sa Novotel din mag-stay si Sarah para makakapagpahinga siya before and after ng kanyang 2-night concert sa Smart Araneta Coliseum.

Biyernes ang unang gabi ng From The Top at alam nating lahat kung gaano katindi ang trapik sa Metro Manila tuwing Friday.

vuukle comment

ANG

ARANETA CENTER

BIG DOME

BIYERNES

CONEY REYES

FORBES PARK

FROM THE TOP

MGA

PASIG CITY

SMART ARANETA COLISEUM

VICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with