^

Pang Movies

Ayaw mag-ala maja, Matteo natakot mag-flop ang concert kaya sa maliit na venue lang nag-concert

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang pagtutok ng Concert King na si Martin Nievera sa MG1 concert ni Matteo Guidicelli na ginanap kagabi sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

Pati sa rehearsals ni Matteo ay tumutok si Martin.

Ang isa kasi sa producers ng MG1 concert ay si Vernice Soyangco na anak ng handler ni Martin, si Joy Alonzo.

Anak ang turing ni Martin sa mga anak ng kanyang handler at natutuwa ang concert king na nagpoprodyus na rin ng concerts si Vernice kaya ganoon na lang ang pagtulong niya sa production side ng MG1.

Natutuwa rin si Martin na certified singer na si Matteo dahil may recording album na ang boyfriend ni Sarah Geronino.

Isa rin ang Concert King sa nagbigay ng lakas ng loob kay Matteo na kaya na talaga nito na magkaroon ng solo conceert.

Marami nga pala ang pumupuri kay Matteo at hindi siya katulad ng ibang nagko-concert na ilusyunado’t ilusyunada na sobrang laking-venue kaagad ang sinubukan.

Kahit maraming sumusuporta sa kanya, alam ni Matteo na dapat ay sa isang maliit na venue lang muna katulad ng Music Museum siya sumubok at saka na siya mag-Smart Araneta Coliseum o MOA Arena para hindi mag-flop ang kanyang concert.

Regine at Jaya, parang reunion ang concert sa Biñan

Speaking of concerts, muling magsasama ang magkaibigang Regine Velasquez-Alcasid at Jaya sa The Songbird Sings in Biñan concert on December 6, 2015 sa the new entertainment-sports venue in the South, sa Alonte Sports Arena.

Natuwa nga si Biñan, Laguna Mayor Len Alonte nang mabuo nila ang charity concert na ito.

Nakakatuwa raw na nakuha na nila si Regine, may Jaya pa sila.

Matagal-tagal na rin kasing hindi nagkakasama sa isang concert sina Regine at Jaya.

Bukod nga pala kay Jaya, special guest din sa The Songbird Sings in Biñan concert si Michael Pangilinan na unti-unti na ring sumisikat dahil sa Your Face Sounds Fami­liar ng ABS-CBN.

 “Happy kami dahil pumayag sina Regine, Jaya and Michael na maging part ng charity concert na ito na ang magbe-benefit ay ang Unlad Biñan Foundation and Go Forward Biñan Foundation. Dream project ito para sa mga taga-Laguna,” pahayag ni Mayor Len. 

Para sa mga gustong tumulong sa Unlad Biñan Foundation and Go Forward Biñan Foundation, tickets are available in all SM Tickets nationwide.

At ang concert na ito ay presented by GMA Network, PLDT Home, Smart, Dela Rosa Transit, Biñan Mayor Len Alonte, Vice Mayor Arman Dimaguila, Cong. Dan Fernandez, Santa Rosa Mayor Arlene Arcillas, Ms. Dada Reyes, Kap. Em Arzola and Bjborja Productions.

Reality shows hindi gaanong nag-boom?!

In fairness, magaganda’t mga guwapo ang kasali sa Starstruck ngayon, pero marami ang nakakapansin na parang hindi ganoon kalakas ang dating ngayon ng artista search show na ito ng GMA 7 compared sa mga naunang Starstruck nila.

Malapit na pala ang final judgement ng Starstruck, pero hindi ito gaanong pinag-uusapan.

Pero ‘yung katatapos na Pinoy Big Brother (PBB) din naman daw ng ABS-CBN ay hindi rin ganoon katindi ang naging dating.

Well…

Kahit may misis na... guwapong aktor na nasa 50’s na, stewardess naman ang bagong dyowa

Guwapo kung sa guwapo pa rin ang aktor na ito na matagal nanalagi sa abroad some years back.

Dahil nga sa kaguwapuhan ni aktor na may anak ding aktres, hanggang ngayon ay marami pa rin naman ang nahuhumaling sa kanya.

Ang tsika, isang flight stewardess daw ang karelasyon ngayon ni aktor.

Pero hindi ba’t married pa rin si aktor sa huling karelasyon niya?

Headed for split-ville na rin ba ang relasyon ni aktor sa kanyang misis kaya napapabalitang karelasyon na niya ang stewardess na nahuhuma­ling sa kanya?

Teka! Pang-ilan na ba si stewardess sa mga nakarelasyon ni aktor?

Well, kahit 50’s na kasi si aktor, hindi pa rin naman kasi kumukupas ang kaguwapuhan niya at parang bata pa talaga ang kanyang hitsura kaya marami pa rin ang nai-in love sa kanya, huh!

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

ANG

ATILDE

CONCERT

HINDI

JAYA

MATTEO

NBSP

PLUSMN

RIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with