^

Pang Movies

Veteran drama actress proud sa labing parang kinagat ng bubuyog

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Walang makakapigil sa veteran drama actress na muling magparetoke ng mukha dahil may bago raw siyang TV show.

Ayaw niyang magmukhang nanay na nanay sa kanyang role kaya mabilis siyang nagpa-appointment sa kanyang paboritong doktor.

Ang kaso, ayaw na muna siyang galawin ng kanyang doktor dahil isang buwan pa lang ang pag-inject niya ng botox sa mukha nito.

Baka raw magmukha na itong naninigas na bangkay kapag nilagyan pa nito ulit ang mukha niya.

Pero hindi nagpapigil ang veteran drama actress. Kailangan daw ay may gawin sa kanya or else mararamdaman niya ang kanyang edad.

Hate na hate pa naman daw niya kapag ina-address siya as “Ma’am”.

Feeling niya, losyang na siya lalo na kung dinudugtungan pa ng “po” at “opo” ang makikipag-usap sa kanya.

Inamin nga ng veteran drama actress na obsessed siya sa pagpapabata at ayaw niyang mawala ang dating image niya noon na kinabaliwan ng maraming lalaki.

Hindi alam ng doktor kung ano ang puwede pang gawin sa veteran drama actress dahil wala na siyang nakikitang deperensya rito.

Hindi na raw niya bibigyan ng botox shot ang veteran drama actress dahil baka ‘yun pa ang ikamatay nito.

Nakiusap na lang ang veteran drama actress na kahit ang lips na lang niya ang medyo palakihin.

Never daw niyang napapagalaw ang lips niya. It’s about time na mag-ala-Anne Curtis lips na siya.

Dahil sa kakakulit niya ay pumayag ang doktor. Pero temporary na lip filler lang ang inilagay niya sa veteran drama actress dahil ite-test muna nila kung walang chemical reaction ang kanyang katawan sa isasaksak na filler. Ilang weeks lang daw ang paglaki ng lips nito.

Kaya marami ang nagulat na parang kinagat ng bubuyog ang mga labi ng veteran drama actress.

Pero proud siya dahil nakakapag-pout na siya na hindi nagmumukhang trying hard.

Bret mas pinili ang trabaho kesa kay Ella

Inamin ni Bret Jackson na nag-date sila ni Ella Cruz ng ilang beses. Pero hindi naman daw umabot sa niligawan niya si Ella. Nabalita kasing may relasyon na raw ang dalawa pagkatapos nilang gawin ang isang Wattpad series sa TV5.

“Ella is not my girlfriend. Yes we went out a few times but that’s just it.

“She’s a very nice girl and she makes me laugh.

“She knows that I can’t get into a relationship now. Masyado akong busy with my career.

“Kaya wala akong nililigawan na ibang girl din. Mas priority ko ang work. I love my job and I want to be professional,” diin ni Bret.

Magkasama nga sila ngayon ng ex-girlfriend niyang si Andi Eigenmann sa pelikulang Angela Markado. Wala raw problema sa kanila ang magkasama sa isang pelikula. Maayos naman daw ang relasyon nila ngayon bilang magkaibigan.

“Mas naging close pa kami noong maghiwalay kami ni Andi.

“I guess that is the mystery of relationships.

“Kung kelan hindi na kayo, mas nagiging okey kayo.

“Like me and Andi, we understood each other more when we broke up.

“Siguro nga, we weren’t meant to be together as lovers. Pang-friends lang talaga kami,” ngiti pa niya.

Ex-1D member Zayn Malik grabe ang ginagawang pagpapabebe sa supermodel

Kumpirmadong may relasyon na ang supermodel na si Gigi Hadid at ang dating miyembro ng One Direction na si Zayn Malik.

Magkasama ang dalawa sa kakaganap lamang na American Music Awards at sabay din silang umalis.

Sa isang restaurant called The Nice in Los Angeles pumunta ang dalawa. Isinama pa nila ang kapatid ni Gigi na si Bella Hadid na saksi sa pagpapabebe ng dalawa sa isa’t isa.

“Gigi and Zayn couldn’t keep their hands off each other. They were holding hands under the table, whispering in each others’ ears, and Zayn was holding Gigi’s leg. Gigi was so attached to him that she even followed Zayn outside to the patio during the smoke break.”

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ALIGN

ANG

DRAMA

ELLA

LEFT

NIYA

PERO

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with