^

Pang Movies

Pekeng ‘baby’ nina Dingdong at Marian, nagkalat pa rin!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Fake pala ang alleged picture ni Baby Letizia na pinagpistahan noong Martes.

Ang mga tao sa paligid nina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang nagsabi na peke ang litrato ni Baby Letizia.

Sa kabila ng denial ng kampo ng mag-dyowa, marami pa rin ang naniniwala na si Baby Letizia ang sanggol sa picture dahil kahawig siya ni Ding­dong.

Mas paniniwalaan ko ang denial ng kampo ni Dingdong dahil alam nila ang katotohanan. Very generous naman sina Dingdong at Marian. Walang dahilan para ipagkait nila sa publiko ang litrato ng kanilang panganay.

Hintayin natin ang tamang panahon dahil siguradong ipapakita nina Dingdong at Marian sa mga tao ang baby girl nila na source ngayon ng kanilang complete happiness.

Shalani ayaw nang maging TV host

Hindi na naabutan ni Shalani Soledad-Romulo ang entertainment press sa thanksgiving lunch sa Annabel’s restaurant noong Martes.

Na-delay ang pagda­ting ni Shalani pero hindi na ito bago sa mga reporter dahil alam nila na “always taking her time” ang misis ni Congressman Roman Romulo na kandidatong senador sa 2016.

Wala na sa plano ni Shalani na maging television host dahil kuntento na siya bilang may-bahay ni Papa Roman.

Nakasentro ngayon ang atensyon ni Shalani sa kampanya ng kanyang asawa na hindi bitter dahil naitsapwera siya sa senatorial line up ng Liberal Party.

Ang sey ni Papa Roman, ang kandidatura ni Senator Grace Poe ang kanyang sinusuportahan dahil bukod sa matagal na silang magkakilala, gusto niya ang lahat ng mga plataporma ng presidential bet ng Partido Galing at Puso.

Anak ni Vic matagal nang may alam sa pulitika

Personal na kilala ni Papa Roman Romulo si Vico Sotto, ang anak nina Coney Reyes at Vic Sotto na kumakandidatong konsehal sa Pasig City.

Naniniwala si Papa Roman na kahit hindi niya suportahan ang candidacy ni Vico, sure winner ang bagets na malakas ang karisma at qualified na maglingkod bilang konsehal.

May sapat na kaalaman si Vico sa mundo na papasukin niya dahil nagtrabaho siya noon bilang chief of staff ni Quezon City Councilor Anjo Yllana.

Promising politician at public servant si Vico dahil matalino siya at may puso para sa mga mahihirap.

Panganay ni AiAi, negosyante na rin

Negosyante ang panganay ni AiAi delas Alas na si Sancho dahil isa ito sa mga may-ari ng Eskenita, isang bar/restaurant sa Pasig City.

Ang pamamahala sa Eskenita ang pinagkakaabalahan ni Sancho kapag hindi siya busy sa shooting ng My Bebe Love.

Suportado ni AiAi ang negosyo ni Sancho. Hindi siya nagkukulang ng paalala sa kanyang anak tungkol sa wastong management ng isang bar/restaurant.

Tapos ng Culinary Arts si Sancho kaya knows nito ang mga do’s and don’t sa negosyo na pinasok niya.

Jose balik-kalyeserye na, napatunayang hindi nasuspinde

Nag-rejoice ang fans ni Jose Manalo dahil napapanood na uli siya sa Eat Bulaga.

Na-miss nang husto ng fans ang presence ni Jose dahil hindi raw kumpleto ang panonood nila ng kalyeserye ng Eat Bulaga kapag wala ang komedyante.

Click na click sa viewers ng kalyeserye ang pagpapa-cute kahapon ni Jose kay Cindy, ang Russian model na hadlang sa love affair nina Yaya Dub at Alden Richards.

Sa pagbabalik ni Jose sa Eat Bulaga, napatunayan ng fans na walang katotohanan ang intriga na sinuspinde siya ng Eat Bulaga management.

vuukle comment

ANG

BABY LETIZIA

DAHIL

EAT BULAGA

HINDI

PAPA ROMAN

PASIG CITY

SHALANI

SIYA

STRONG

VICO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with