^

Pang Movies

Dating bold star na si Ynez inalala ang panahong umiinom ng zonrox dahil sa lalaki

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa action movie sana ni Philip Salvador unang ipapakilala si Ynez Veneracion bilang isa sa mga leading ladies.  Pero naagaw siya nang nauuso noong bold films.  Mas naakit siyang magpakita ng alindog at makipagsabayan kina Ana Capri, Aleck Bovick at iba pa noon.

Sa mga artristang ipinain ang katawan, di nagkamali ng piniling imahe si Ynez.  Dahil sa paghuhubad man siya sumikat at nakilala, ipinakita rin niya na hindi lang ang paghuhubad ang kaya niya.

“Nagkamit na ako ng acting award mula sa Gawad Urian.  Ito’y sa pelikulang Sa Paraiso ni Efren sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.  Sa TV, nagkaroon na rin ako ng acting nominations,” pagmamalaki ng dating bold star na si Ynez.

Gaya sa ibang artista, ang pag-ibig ang sumira sa kanilang career.  “Ibang klase akong umibig,” bida ni Ynez.  “Yes, sira ang ulo ko, para bang walang ibang lalaki sa mundo.  Dumating pa nga ‘yung point na nagpakamatay ako. Uminom ako ng zonrox.”

Ayaw nang banggitin pa ni Ynez ang lalaking kinabaliwan niya, ang mahalaga’y nagising na siya sa katotohanan.  Muling tumibok ang kanyang puso sa isang pulitiko at nagkaroon siya ng anak.  “Yes ‘di ko itinatago na I have a four year old daughter with him.  Hiwalay na kami ng ama ng anak ko but still may komunikasyon kami at ‘di naman siya  (governor) nakakalimot sa kanyang responsibilidad sa anak namin,” pagtatapat ni Ynez na kasama sa bagong teleserye ng ABS-CBN na pagbibidahan ni Cristine Reyes.

Ariel at Gelli may kakaibang ginagawa para hindi mabagot sa relasyon

Natatawa o tinatawanan lang ng mag-asawang Gelli de Belen at Ariel Rivera tuwing may chikang hiwalay na sila.  “Si Ariel ang nagre-react lalo na kapag ang mga kalaro nito sa golf ang nagtatanong,” sabi ni Gelli.

Very proud ang kapatid ni Janice de Belen sa pagkakaroon ng asawang tulad ni Ariel dahil napaka-lovable nito at responsable.  Masipag at masinop. “Huwag mong papakialaman ang mga gamit niya.  Kahit pa nakakalat ‘yan, huwag mong gagalawin.  Hayaan mo siyang mag-ayos. ‘Yun siya”

Minsan nasabi sa amin ni Ariel na kaya nagiging matatag ang pagmamahalan nila ni Gelli is may kakaiba siyang drama at para hindi maging kabagut-bagot ang pagsasama nila.  “I see to it na mag-date kami in a different location.  ‘Yun bang laging may bago sa inyong paningin at paligid lalo na kung kayong dalawa lang,” pilyong pahayag ni Ariel.

Sex o chocolate?  Asked ni kuya Boy (Abunda) kay Gelli.

“Sex!” natatawang sagot ni Gelli na mukhang nalalapit na ang paglipat sa ABS CBN.

vuukle comment

ACIRC

ALECK BOVICK

ANA CAPRI

ANG

ARIEL RIVERA

BELEN

CRISTINE REYES

GAWAD URIAN

GELLI

NBSP

YNEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with