^

Pang Movies

Dating teen star na si Kim delos Santos namatayan ng ama

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nagsalita na nga ang dating teen actress na si Kim delos Santos tungkol sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na ama na si Hormida delos Santos noong nakaraang November 18 sa Florida, USA.

Ayon kay Kim, 67-years old ang kanyang ama at nagtatrabaho ito bilang stationary engineer sa U.S.

“Matagal na may sakit ang daddy na diabetes and hypertension in his 30’s pa lang.

“Hindi na kasi niya masyadong pinansin, basta trabaho nang trabaho.

“My dad was a hardworking man. He worked hard para makatapos ako ng LPN (Licensed Practical Nurse).

“He would pay for my school, car and give me allowance rin. Panay overtime niya.

“Even when I was in the Philippines, lagi ako pinapaldahan ng damit at sapatos.

“And when I needed money to help put Ethan to school, he would help din.”

Ang binanggit ni Kim na Ethan ay ang anak ng ex-husband niyang si Dino Guevarra sa una nitong girlfriend. Tinuring ito ng dating aktres na parang anak na niya.

Sobra mahal daw ni Kim ang kanyang ama dahil noong mga panahon na hindi na siya nag-aartista ay hindi siya pinabayaan nito.

Nagpapasalamat lang si Kim sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay noong mag-post siya sa kanyang Facebook account sa pagkawala ng kanyang ama.

Hindi niya ine-expect na marami pa rin ang nakakaalala sa kanya at nag-offer pa sila ng dasal para sa kanyang yumaong ama.

Modern family star na si Sofia Vergara, ikinasal na kay Joe Manganiello

Kinasal na ang Modern Family star na si Sofia Vergara sa kanyang fiancé at star ng Magic Hunk na si Joe Manganiello nitong nakaraang weekend sa The Breakers Resort in Palm Beach, Florida.

Sa harap ng kanilang 400 guest ay nag-exchange “I do” sina Joe at Sofia.

Mga naging bisita nga nila Joe and Sofia ay family members at mga kasama nila sa trabaho. Present din ang anak ni Sofia sa una nitong mister na si Manolo Gonzalez-Ripoll Vergara at ito ang abalang nagpo-post ng mga photos ng dalawang bagong kasal sa Instagram.

Inamin ni Sofia na naging isang “bridezilla” siya dahil very detail-oriented siya sa kanyang wedding.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BREAKERS RESORT

DINO GUEVARRA

ETHAN

JOE AND SOFIA

JOE MANGANIELLO

KANYANG

LICENSED PRACTICAL NURSE

MAGIC HUNK

SOFIA VERGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with