^

Pang Movies

Gary 2 araw kinabisado ang kinanta sa Queen of Rock

Jun Nardo - Pang-masa

Dalawang araw bago na-memorize ni Gary Valenciano ang kantang Laguna. Ito ang kinanta niya sa tribute sa Queen of Rock na si Sampaguita sa ASAP20 kahapon.

Ayon sa tweet ng asawa ni Gary na si Angeli, kinabisado ni Gary ang kanta habang papunta sa kasal ni Nikki Gil at habang pauwi na sila ng bahay.

Naitawid naman ni Gary ang pagkanta ng Laguna kahapon sa ASAP20.

Mas magaling kasi si GV sa pagkanta ng English kesa sa Tagalog pero once kumanta ng Tagalog, nagagawa naman niya ito nang bongga, huh!

Janella pinabilib si Direk Jun

Bitin si Direk Jun Lana sa selebrasyon nila ni Direk Perci Intalan ng “wedding” anniversary nila sa New York City.

Ayon sa premyadong director, masaya ang nangyari sa kanila at ayaw pa niyang umuwi sana.

Eh, kailangan na rin kasing tutukan ng director ang post production ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Regal na Haunted Mansion.

Isa kasi sa biggest offerings ng Regal ngayong Pasko ang horror mo­vie na pinagbibidahan ng mga bagong henerasyon ng kabataang artista, sina Janella Salvador, Jerome Ponce, at Marlo Mortel.

Impressed na impressed si Direk Jun kay Janella ayon sa text niya sa amin.

“Honestly, I didn’t expect much dahil first film niya. Alam ko marami pa akong dapat ituro sa kanya. And then, I found out how good an actress she is. And what a fast learner. It also helped na ang lakas ng chemistry niya with Marlo and Jerome,” pahayag ni Direk Jun sa amin.

Nagpapasalamat ang director sa suporta ng senior stars sa mga baguhan gaya nina Janice de Belen, Iza Calzado, Joem Bascon, at Dominic Ochoa.

Carla niyari ang poser sa Twitter

Nagulat si Carla Abellana nang may nag-tweet gamit ang username na @CarlaAbellana na nagpu-promote ng guesting niya sa GMA morning series na Dangwa. Eh ang totoong user name ng aktres ay @carlaangeline, huh!

Agad kinorek ni Carla ang kumalat na message pero nagpasalamat na rin dahil hindi naman ito derogatory, huh!

“Hinding-hindi po ako ito (@CarlaAbellana). Wala po akong twitter. Pero thank you kung sino man to for promoting,” post ni Carla sa Instagram account niya.

Anyway, bukod sa guestings, regular na mapapanood si Carla sa GMA series na Because of You kung saan sina Gabby Concepcion at Rafael Rosell ang mga bagong lalaki niya, huh!

vuukle comment

ABELLANA

ACIRC

ANG

AYON

BECAUSE OF YOU

CARLA

CARLA ABELLANA

DIREK JUN

DIREK JUN LANA

DIREK PERCI INTALAN

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with