^

Pang Movies

Joey Marquez iwas-sawsaw sa gulong kinasasangkutan ng mga ex na sina Kris at Alma

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Inabot ng hiya ang ilang mga reporter na dumalo sa birthday party ni Eat Bulaga executive Malou Choa-Fagar noong Sabado sa Valencia Events Place nang makita nila si Joey Marquez.

Hindi tuloy natanong ng mga reporter si Joey sa reaksyon nito sa mga isyu na kinasasangkutan ng kanyang mga ex-girlfriend na sina Alma Moreno at Kris Aquino.

Nagdalawang isip na magtanong ang mga reporter dahil matagal nang tapos ang relasyon ni Joey sa mga kontrobersyal na aktres.

Magkaibigan pa rin sina Alma at Joey dahil sa kanilang mga anak at sa lahat ng mga naging boyfriend ni Kris, deeply affected siya sa split up nila ni Joey. Hindi na nagkasundo sina Joey at Kris, unlike sa love affair nito at ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Malalamog lang Maine hindi na pwedeng lumabas nang walang bodyguard!

Star na talaga si Maine Mendoza dahil hindi na siya puwedeng lumabas na walang kasama na mga bodyguard.

Dinudumog na si Yaya Dub sa lahat ng mga lugar na kanyang pinupuntahan tulad ng nangyari sa isang concert na pinanood niya noong Sabado. Mahalaga na may kasama na security personnel si Yaya Dub or else, malalamog lamang siya ng fans na hindi maawat sa paghanga sa kanya.

Ang maganda kay Maine, dedma siya sa kanyang popularidad.

Hindi iniisip ni Maine ang kanyang kasikatan kaya nagre-report pa rin siya sa kalyeserye ng Eat Bulaga na walang kasama na personal assistant o alalay.

Ricky Davao dumiretso agad sa birthday ni Mama Malou

Dumalo si Ricky Davao sa isang film festival sa Germany at ito ang dahilan kaya ipinaubaya muna niya sa ibang direktor ang Little Nanay.

Si Ricky ang direktor ng Little Nanay at wala siya sa Pilipinas sa pilot week ng bagong teleserye ng GMA 7.

Mabait na tao at direktor si Ricky kaya gustung-gusto siyang katrabaho ng stars ng Little Nanay.

Dumating si Ricky mula sa Germany noong Sabado at mula sa NAIA, tumuloy siya sa birthday party ni Mama Malou Fagar.

Ritz Azul papasang sexy star!

Papasa na sexy star ang Kapatid Network contract star na si Ritz Azul. Napagmasdan ko nang husto ang byuti ni Ritz sa presscon ng Wattpad Presents: Wicked Ways at kung uso pa ang sexy films, puwedeng-puwede na siya ang bida.

Isa si Diether Ocampo sa mga leading man ni Ritz sa Wicked Ways. Malabo na ma-link sa isa’t isa sina Ritz at Diether dahil girlfriend pa rin nito si Michelle Barrera, ang apo ng business tycoon na si Danding Cojuangco.

Benefit concert ni AiAi, ngayong gabi na

Reminder, ngayong gabi na ang For the Love of Mama, ang benefit concert para sa pagpapatayo ng isang malaking simbahan sa Commonwealth Ave­nue, Q.C.

Ang MEDA Foundation ni AiAi delas Alas ang producer ng concert na itatanghal sa Mall of Asia Arena. Kung may MEDA Foundation si AiAi, may MEDA Productions din siya na co-producer ng My Bebe Love, ang pelikula nila ni Vic Sotto na official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANG

LITTLE NANAY

MGA

RICKY DAVAO

RITZ AZUL

SABADO

SIYA

STRONG

WICKED WAYS

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with