^

Pang Movies

Concert ni Regine nilanggam dahil kina Sarah at Matteo, Dennis at Jennylyn

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Regine at the Theater concert series ni Regine Velasquez-Alcasid sa The Theater ng Solaire Resort and Casino noong Friday night.

Obvious na may relasyon na uli ang dalawa.

In fairness, maraming nagsabing bagay talaga sina Dennis at Jennylyn.

Kilig-kiligan nga ang mga tao sa The Theater nang makita sila.

Nakatabi nina Dennis at Jennylyn ng upuan ang isa pang sweethearts, sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Mas unang dumating sina Sarah at Matteo kumpara kina Dennis at Jennylyn, pero kumain pa kasi sila sa may coffee shop ng The Theater ang unang mag-sweethearts kaya mas naunang pumasok ng The Theater sina Dennis at Jennylyn.

Nang magkaroon ng 20-minute intermission sa show ni Regine, maraming mga nanood ang lumapit kina Sarah at Matteo para magpa-picture dahil nakabante ang upuan nina Dennis at Jennylyn dahil lumabas sila ng The Theater.

Oo nga pala, kung hindi umiwas sina Sarah at Matteo nang makita ako, hindi rin naman umiwas sina Dennis at Jennylyn.

Hindi ko na nga lang sila kinulit sa status ng kanilang relasyon ngayon dahil ayokong masira ang magandang moods nila.

Korina wala raw bodyguards ‘pag lumalabas

Si Korina Sanchez kahapon sa labas ng Smart Araneta Coliseum.

Naglalakad lang si Korina at kasama niya ang isang bading na Rated K staff.

Nang makita ako ng misis ni Mar Roxas, tumigil muna siya sa paglalakad at nakipagtsikahan sa akin.

Napansin ko na walang bodyguard si Korina at sinabi ko ‘yon sa kanya.

“Wala talaga akong bodyguard, Jun. Hindi ako nagba-bodyguard kahit noon pa,” sabi ni Korina.

May event daw siyang pupuntahan sa KIA Theater na may kinalaman sa kandidatura ng mister niya, kaya nakasuot siya ng yellow t-shirt na siyang kulay na gamit ng mga kaalyado ni Mar.

Oo nga pala, kahit tumutulong si Korina sa kandidatura ng kanyang mister at kung saan-saan nagpupunta, in fairness, ang fresh pa rin ng dating niya.

Sabi ko kay Korina, hindi ngarag ang beauty niya na ipinagpasalamat naman niya.

Sa pakikipagtsikahan ko pa rin kay Korina, nabanggit ko sa kanya na although maraming maka-Grace Poe sa showbiz dahil anak nga ito nina Fernando Poe, Jr. (SLN) at Susan Roces, marami rin naman ang sumusuporta kay Mar dahil sa kanya.

“Salamat naman,” sey pa ni Korina at kundi nga lang biglang umambon ay gusto pa sanang makipag­tsikahan ng matagal ng misis ni Mar.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENNIS

FERNANDO POE

GRACE POE

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KORINA

MAR ROXAS

MATTEO

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with