^

Pang Movies

Banana Sundae patok na patok sa pilot episode

Pang-masa

MANILA, Philippines – May kasabihan na kung wala namang sira, hindi kailangan palitan, baguhin, o ayusin, kaya patuloy na nagpapasaya lang ang Banana Sundae sa bago nitong timeslot tuwing Linggo simula noong November 15. ??

Pumalo ng 14.4% ang National TV Rating ng Banana Sundae ayon sa datos na nalikom ng Kantar Media.??Wala namang pinagbago ang show kundi sa pagiging mas kwela, mas magulo, at mas nakakatawang bersyon nito na siya namang kinagigiliwan ng mga manonood ng show na pitong taon ng umeere. Patok na patok kasi sa mga manonood ang kanilang Kantaranta, Baby Boy and Baby Girl, at Make Me Rap na mga segment. ??

Naging mas espesyal pa nga dahil nagbabalik na ang komedyanang si Pokwang at isinama pa si Jessy Mendiola, na ipapakitang meron din siyang funny side bukod sa pagdagdag ng kaseksihan kasama ang iba pang kababaihan ng gag show.

Bukod pa riyan, dinedicate ng cast ang isang buong Make Me Rap segment sa natatanging original Banana Split girl na si Angelica Panganiban na nagdiwang ng kanyang kaarawan. Maluha-luha pa nga si Angelica nang magpasalamat sa tinuring niyang extended family at ang kanyang kahilingan sa kaarawan ay hindi mabuwag ang kanyang pamilya sa Banana Sundae.

Patok ang mga segment nina Angelica Panganiban at Jason Gainza na Krissy TV at Ihaw Na.

Hindi rin naman mawawala ang ibang bida tulad nina John Prats, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC De Vera, Pooh, Jobert Austria, and Badji Mortiz.

Ngayong Linggo (November 22), wag palampasin ang kanilang paandar na Kantaranta, Banana Drama, Face the Question, at Song Gags, kung saan maghaharap ang mga komedyanteng sina Jason Gainza at Jobert laban sa mga mahuhusay na singers na sina Edgar Allan at Nyoy Volante.

Ang Banana Sundae ” ay mapapanood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP20.

Zoren at Carmina naka-17 years na

Tatlong taon na simula nang ikinasal sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Hindi naman nakalimot ang Marimar star na batiin ang asawa at sa kanyang Instagram ay nagpost pa ito ng nakapa-sweet na message, “In papers it’s our 3rd year Anniversary but in truth, we have been together for 17 years and going stronger every day. Meron Forever!”

Megan Young, enjoy ‘maka-loveteam’ si Mikael Daez

Last time, umamin si Mikael Daez na sobrang nag-enjoy siyang makasama sa Dangwa si Megan Young. Ganon din naman daw ang naging pakiramdam ni Megan dahil sa tinagal na nilang ‘magkaibigan,’ ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataong magkasama sa iisang palabas. Hoping naman ang parehong aktor na masusundan pa ito.

Bubble Gang Mall Show, dinumog!

Hindi nabigo ang mga KaBabol sa pagpapakita ng kanilang suporta sa cast ng Bubble Gang. Sa naganap na mall show sa Market! Market! noong November 19, kitang-kita na napuno ang venue ng napakaraming tao. Bigay todo rin naman sa mga performances ang mga Kapuso stars na nakisaya sa Bubble Gang mall show.

Bettina Carlos, bet ang pagiging kontrabida

Pagkatapos ng Yagit, sa Because Of You naman magiging kontrabida si Bettina Carlos. Very excited naman ang Kapuso actress/host dahil makakasama niya ulit si Carla Abellana na naging ka-close niya dahil sa My Husband’s Lover. At the same time, looking forward siya dahil ang Because Of You ang magsisilbing reunion project nila nina Iya Villania at Valerie Concepcion na nakasama niya sa Click.

Gardo Versoza, mapapanood na rin sa The Half Sisters!

Simula Lunes, November 23, mapapanood na rin sa longest-running afternoon prime series na The Half Sisters si Gardo Versoza. Gaganap siya bilang Dr. Santi, ang psychiatrist ni Rina (Jean Garcia) na ‘di kalauna’y magkakagusto rin dito. ‘Yun nga lang, may inililihim si Dr. Santi. Ano kaya ito na maaaring makagulo sa buhay ng mga bida?

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELICA PANGANIBAN

BANANA SUNDAE

BECAUSE OF YOU

BETTINA CARLOS

BUBBLE GANG

DR. SANTI

GARDO VERSOZA

MGA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with