^

Pang Movies

Pinaalala rin ang tax niyang binabayaran Kris ipinangalandakan at isinumbat ang pagpapagawa ng eskwelahan, simbahan, at pagpapa-aral sa mga gustong mag-pari

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin pinansin iyong unang sinabi ni Kris Aquino na manos na lang daw sila noong mga nag­lakad nang malayo sa init ng araw para makapasok sa kanilang trabaho dahil sa pagsasara ng kalye noong panahon ng APEC Summit. Kasi nga raw na-sunburn naman siya noong ipasyal niya ang mga bisita rin ng APEC. Sinabi rin niyang mahirap din ang maglakad na naka-suot ng “high heeled shoes” sa cobbled stones sa Intramuros. Hindi na namin pinansin iyon dahil siguro nga ay biro lang niya, at saka seseryosohin mo pa ba naman ang mga ganyang comment?

Pero dahil doon, binanatan siya nang husto ng mga tao sa social media.

Ang mas matindi iyong kanyang naging sagot sa mga tira sa kanya. Binanggit niya ang hirap niya noong panahon ng martial law, nakulong ang tatay niya, iyong nanay niya nagkaroon ng cancer at namatay, at kung anu-ano pang hirap niya sa buhay. Inireklamo din niya na malaki raw ang nawalang kayamanan sa kanya dahil sa kanyang annulment.

Tapos dinugtungan pa niya iyon na nananatili raw siyang isa sa mga pinakamalaking taxpayer sa bansa, kinikilalang product endorser, nakatulong daw siya sa pagpapatayo ng mga iskuwelahan, simbahan at pati pagtulong daw sa pag-aaral sa seminaryo ng mga gustong mag-pari. Nakalimutan ni Kris at gusto naming idagdag, kilala siyang artista sa mga “massacre movies” noon.

Pero iyon bang pagiging malaking taxpayer at pagtulong sa kung anu-anong proyekto ay sapat na dahilan para ang isang tao ay magbigay ng mga comment na wala sa ayos at tanggapin na lang ng mga tao, lalo na’t kung iisipin na si Kris ay isang public figure bilang isang artista at kapatid pa man din ng pinakamataas na pinuno ng bansa? Mukhang mali ang sagot sa nagsimula sa isang maling statement.

Kalyeserye ng dabarkads, mamarkahan na sa Walk of Fame

Sa susunod na buwan, dahil anniversary ng Walk of Fame Philippines, muling maglalagay si Kuya Germs ng “stars” sa Walk of Fame. Kabilang sa kanyang ilalagay sa Walk of Fame ay sina Alden Richards, Maine Mendoza, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Jose Manalo. Hindi lang naman sila, mayroon pang iba, pero sila na lang muna ang ating pag-usa­pan.

Hindi mo maaa­ring iwasan na ang mga artis­tang iyan ay ilagay agad sa Walk of Fame, dahil sa kanilang naging popularidad sa loob ng napakaikling panahon na kung sabihin nga ng mga kritiko ay isang “phenomenon”.

Hindi natin maikakaila na ang popularidad niyang AlDub ay lumagpas sa naging kasikatan ng mga bumuo niyan, dahil ngayon pinag-uusapan na sila sa buong mundo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

DAHIL

JOSE MANALO

KRIS AQUINO

KUYA GERMS

MAINE MENDOZA

MGA

NIYA

WALK OF FAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with