^

Pang Movies

Nanganganib na ring mag-alsa balutan, Kris pinaglalaruan na lang ang mga tao!

Jun Nardo - Pang-masa

Para namang pinaglalaruan ni Kris Aquino ang mga tao at netizens. Ipadarama ang pagiging insensitive sa una pero sa bandang huli, hihingi rin naman ng sorry, huh!

Kaya naman hindi nakapagtataka na habang paalis na ang Kuya P-Noy niya sa Malacañang, lalong marami ang naglalabasang hinaing sa kanya. Ang sure na magsa-suffer sa kapalpakan ng administrasyon ni P-Noy ay ang gustong humalili sa kanya na si Mar Roxas, huh!

Waiting na lang ang mga tao sa kahihitnan ni Kris pag wala na sa posisyon ang kapatid.  Eh, pag sumemplang sa takilya ang kanyang festival entry, hudyat na ‘yon upang mag-alsa balutan na siya sa showbiz, huh!

Tutal naman, masasakitin na siya recently. So better na ‘yung magpahinga na si Kris kesa isisi pa sa showbiz ang kahinatnan ng kalusugan niya, huh!

Direk Carlo J. at Donna Villa, pila-pila ang gagawing pelikula sa ViVa

Tumatanaw ng utang na loob ang mag-asawang Carlo Caparas at Donna Villa sa Viva boss na si Vic del Rosario na kumimbinse sa kanilang balikan ang pagpu-prodyus ng pelikula.  Matagal ding namahinga ang mag-asawa for personal reasons.

Kumbaga, kakambal na ng mag-asawa ang showbiz kaya hindi nilang basta-bata nila maihihiwalay ito sa kanila.

Take note na suportado ng Viva ang pagbabalik-producer ng tinatawag na Golden Couple. Eh, itong comeback film ng mag-asawa na Angela Markado, agad natapos ni Carlo bilang director. Ipinahiram pa sa kanila ng Viva ang artista nilang si Andi Eigenmann upang maging bida.

Sa aming pagkakaalam, fifty movies ang nakatakdang i-produce nina Donna at Carlo para sa Viva.  So ‘yung projects na matagal nang pangarap ng mag-asawa na magawa ay magkakaroon na ng katuparan, huh!

Jose babalik na sa kalyeserye, isang linggong nagliwaliw sa Amerika

Babalik na si Jose Manalo sa kalyeserye sa Lunes kung walang pagbabago sa plano niya. Siyempre, na-miss din ng manonood ang presence niya bilang si Lola Tinidora na kayang sabayan ang galing ni AiAi de las Alas bilang si Lola Babah.

Galing sa bakasyon sa States si Jose ayon sa mga lumabas na balita. Marami nga lang ang nagtatanong kung ano ang ginawa niya sa Amerika ng mahigit isang linggo, huh!

Anyway, magiging abala kasi sa Lunes si AiAi de las Alas sa produced niyang For The Love of Mama concert sa SM Mall of Asia Arena. Isa itong benefit concert bilang tulong niya sa pagpapalaki ng isang simbahang Katoliko sa bandang Fairview Q.C.

Bukod kay Ai Ai, ang ilang pang performers para sa concert ay sina Alden Richards, Erik Santos, Nikki Gil, Sancho de las Alas, 6 Priests in the City at marami pang iba.

vuukle comment

AI AI

ALDEN RICHARDS

AMERIKA

ANDI EIGENMANN

ANG

ANGELA MARKADO

CARLO CAPARAS

DIREK CARLO J

DONNA VILLA

ERIK SANTOS

FAIRVIEW Q

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with