^

Pang Movies

May teleprompter kahit live, actor-politician inaasa sa mga assistant ang mga sagot sa interview

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi makalimutan ng isang kilalang broadcast journalist ang kanyang pagka-turn off sa isang actor-politician nang ma-interview niya ito noon.

Sa mga nababasa niya sa tungkol sa actor-politician na ito, mukhang matalino at maganda itong subject para sa isang segment ng kanilang show noon.

Nakipag-ayos nga ang staff niya sa schedule ng actor-politician at pumunta naman ito sa studio.

Hinarap naman sila ng mga tauhan ng actor-politician at inalam kung ano ba ang gagawing interview. Sinabi ng staff na tungkol lang naman daw ito sa buhay niya bilang actor-politician at ano ang mga future plans pa niya?

Profile lang at may konti silang mga pasingit-singit na questions.

Umalis lang saglit ang assistant ng actor-politician at pinakita ang mga questions na itatanong sa actor-politician. After five minutes ay bumalik ang assistant at sinabi na okey daw ang mga questions.

Pahabol pa ng assistant na isulat na raw nila ang mga sagot sa mga tanong para malagay na sa teleprompter.

Nagtaka tuloy ang staff kung bakit sila ang magsusulat pa ng dapat na isagot ng actor-politician? At bakit kailangan pa nitong gumamit ng teleprompter?

Binalikan ng staff ang assistant ng actor-politician at sinabing hindi nila alam ang puwedeng isagot ng actor-politician dahil sa kanya manggagaling ito. Hindi naman daw kailangan pang gumamit ng teleprompter.

Sinabi na lang ng assistant na siya na ang gagawa sa mga isasagot ng actor-politician. Hindi raw puwedeng magpa-interview ang actor-politician na walang teleprompter.

Ayaw na raw kasi nitong mag-isip pa ng isasagot.

Sobrang turned off na ang broadcast journalist dahil inakala niyang matalino at magaling sumagot na actor-politician, yun pala ay nakasalalay ito sa kanyang mga tauhan.

At nakakatawa pa raw ay pati ang kanyang pagngiti at pagiging seryoso sa bawat salita niya ay nakasulat din dapat sa teleprompter!

Gladys bilib sa pagka-down-to-earth ni Ate Guy

Very honored ang Kapuso kontrabida at TV host na si Gladys Reyes na makasama ang nag-iisang Superstar Nora Aunor sa bagong primetime teleserye ng GMA 7 na Little Nanay.

Hindi nga inaasahan ni Gladys na sa isang teleserye niya makakasama si Ate Guy.

“Never kong naisip na aabot ako sa edad na ito na makakatrabaho ko pa ang nag-iisang Superstar.

“Kaya noong story conference, hindi ako nagpapigil at una akong nagpa-selfie kay Ate Guy!” tawa pa ni Gladys.

Unang encounter ni Gladys kay Ate Guy ay noong maging guest ito sa kanyang Net 25 talk show na Moments noong 2012.

“Makikita mo siyang nakikipagkuwentuhan sa mga taga-production. Wala siyang pinipiling taong kakausapin kaya lalo akong humanga sa kanya dahil napaka-down to earth niya,” pagtatapos pa ni Gladys.

vuukle comment

ACTOR

ANG

ATE GUY

GLADYS

GLADYS REYES

ITO

LITTLE NANAY

MGA

NIYA

POLITICIAN

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with