^

Pang Movies

Komedyanteng naghahangad ng malaking TF, nganga ang kapalaran

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mabilis na umakyat sa ulo ng komedyanteng ito ang pagiging sikat kaya naman mabilis din siyang nawalan ng trabaho.

Biglang nag-demand ng mataas na talent fee ang komedyanteng ito dahil pakiramdam niya ay siya ang nagdadala ng show na kinabibilangan niya.

Nagpakaarogante pa raw ang komedyante na ito at nagpapa-late pa sa taping dahil hindi naman tatakbo ng maayos ang show na wala siya.

Noong kausapin siya ng production kung may problema ba siya sa show, ang sagot nito ay meron at gusto niya ng mataas na sahod.

Sinabi naman sa kanya na may budget ang show at kinakasya lang nila ang budget sa buong production. Kung mabigyan sila ng additional budget, doon nila puwedeng ma-consider ang pagtaas ng suweldo niya at ng buong staff.

Pero hindi nakinig ang komedyante at nag-demand pa rin ng mataas na TF or else hindi na siya lalabas sa show.

Noong hindi nga siya pagbigyan ay biglang nag-walkout ito.

Mabuti na lang at nakahanap agad ng replacement sa komedyante noong mag-walkout ito.

Kaya hindi na muna mapapanood ang naturang komedyante sa show dahil sa ginawa nitong pag-walk out at dahil sa pagiging demanding nito masyado.

“Sino ngayon ang nawalan?” diin ng aming source.

“Sana naghintay na lang siya kasi lahat naman ng hilingin niya ay binibigay sa kanya. Siyempre ang TF dadaan pa yan sa mga bossing.

“Eh bigla siyang nag-walkout. ‘Di na namin siya pinigilan.

“Maraming mas bata at mas magaling na sa kanya. Hindi siya kawalan sa totoo lang.”

Alden nalulunod na sa blessings

Parang wala nang katapusan ang pagtanggap ng blessings ni Pambansang Bae Alden Richards.

Simula noong maging maningning ang kanyang pangalan dahil sa pakikipagtambal niya kay Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, overflowing na ang mga biyayang dumara­ting sa kanya.

Ang latest na malaking endorsement ni Alden ay ang pagiging bagong ambassador ng Bench Fix Salon.

Nag-post pa nga ang may-ari at founder ng Bench na si Mr. Ben Chan kasama si Alden sa Instagram. Hindi rin napigilan ni Ben Chan na magpapabebe wave kasama ang Pambansang Bae.

Heto ang caption: “Officially welcoming Alden to the Bench Fix family.

“Watch out for his campaign and billboard soon. #LoveLocal @benchfixsalon @aldenrichards02 #pabebewave @ggslara”

Si Alden na nga ang matatawag na sought-after male endorser of the year dahil sa magkakasunud na walong major endorsements niya.

Kris sumobra ang pagpapabebe kaya inayawan ng lalaki

Inamin ng bida ng Little Nanay na si Kris Bernal na may naging kasalanan siya kung bakit hindi nagtagal ang relasyon nila ni Carl Guevarra.

Hindi raw kasi niya nabigyan masyado ng importansya ang pinapakitang pag-aalaga sa kanya ni Carl noon.

Wala raw siyang reklamo kay Carl dahil napakabait daw nito at naging pasensyoso sa kanya.

“Sumobra lang ang pagpapabebe ko noon,” tawa pa ni Kris.

“Siguro, I took him for granted noon. Masyado akong naging busy noon at hindi ko masyadong napansin ang mga ginagawa niya.

“All the while, akala ko ay okey lang sa kanya. Tahimik kasi si Carl, eh. Hindi siya nagsasalita kung may mali na ba akong ginagawa. Hanggang sa nauwi na nga sa hiwalayan.”

Wala naman daw pagsisisi si Kris na naghiwalay sila ni Carl. Naka-move on na raw siya.

“Useless naman kasi kung babalikan pa natin lahat. Nangyari na iyon, eh. Pero okey naman kami ni Carl. Magkaibigan pa rin kami.”

Eh ano naman ang nangyari sa panliligaw ni Lucho Ayala?

“Yes nanligaw siya. We went out on dates. Nagkasama kasi kami sa isang stageplay. Pero hanggang doon lang. Hindi pa ako ready to commit talaga. Friends na lang muna kami.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEN CHAN

BENCH FIX

BENCH FIX SALON

HINDI

LANG

NAMAN

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with