^

Pang Movies

‘Di pa man lumalabas Panganay nina Dingdong at Marian, instant celeb agad

Jun Nardo - Pang-masa

Bakasyon grande mode na si Marian Rivera! No work at waiting na ang newest mom sa pagsilang kay Baby Letizia nila ni Dingdong Dantes anytime sa mga susunod na araw. Nagpaalam na rin si Yan Yan sa Sunday PinaSaya bilang Judge MD last Sunday.

May higing nga na si Julie Anne San Jose ang papalit sa Primetime Queen. Malalaman ‘yan ngayong Linggo. Naku pagsilang ni Baby Letizia instant celeb agad ang bata!

Atty. Persida Acosta, Hindi takot sa ‘sindikato’ ng tanim-bala!

Pinatotohanan ng mag-asawang Carlo at Donna Caparas ang pagba­balik sa paggawa ng movies nang umapir sila sa thanksgiving party sa media ni Atty. Persida Acosta, ang Public Attorney’s Office Chief. 

Eh bilib din ang mag-asawa sa talino at tapang ni Atty. Acosta kaya nang hilingan ang PAO Chief na magkaroon ng cameo role sa movie ni Andi Eigenmann ay hindi nman nagdalawang salita si Atty. Acosta.

Naging daan din ang pasasalamat na ‘yon upang ibahagi ni Atty. Persida Acosta ang updates sa high profile cases na tinulungan niya gaya ng nangyari kay PMA cadet Aldrin Cudia, ang victims ng Sulpicio Lines tragedy at ang latest na tanim-bala controversy.

Ayon sa chief ng PAO, na-dismiss na sa office ng fiscal ang limang asunto. Waiting pa raw sila sa resolusyon ng Fiscal.

Kagagaling lang din ni Atty. Acosta sa Amerika upang tanggapin ang kanyang Gawad Amerika Award for Public Service.

Eh kahit sinasabing isang malaking sindikato ang nasa likod ng ta­nim-bala, hindi natatakot ang lawyer lalo na ‘pag tama ang pinaglalaban niya, huh!

vuukle comment

ACIRC

ACOSTA

ALDRIN CUDIA

ALIGN

ANDI EIGENMANN

ANG

BABY LETIZIA

DINGDONG DANTES

PERSIDA ACOSTA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with