^

Pang Movies

Sheryl nahirapan ikutin ang Kia Theater dahil sa legs na mabibigat

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagwagi si Sheryl Cruz ng isa sa pinakamahalagang kategorya sa 7th Star Awards for Music. Bago pa niya makamit at mahawakan ang tropeo, nagbigay pa ng song number ang anak nina Rosemarie Sonora at the late Ricky Belmonte, tanda na she can sings well kahit hirap na hirap niyang ikutin ang buong entablado sa Kia Theater (dating New Frointier Theater) dahil sa bigat ng kanyang legs na kitang-kita sa suot niyang mini dress.

And yes, the winner is.... Sheryl Cruz.

Bulong ng aming katabi  :  “ hindi siya handa sa kanyang winning speech ha, look may kodego siya, listahan ng pasasalamatan.”

Another yes, nalokah ang mga nanood sa haba ng mga pinasalamatan, name ng mga producers niya, musicians, song writer, composers ng album, mga humikayat  na balikan niya ang recording, etc...etc.

Yes pa rin, nabanggit niya ang yumaong Tito Ronnie Poe niya na si FPJ.  At syempre, marami ang naghintay na marinig sa bibig niya ang ngalan ng Tita Swannie niya na si Ms. Susan Roces dahil sister ito ng mother niyang si Rosemarie pero walang namutawi sa singer-actress.

Yes na yes talaga, expected na ng lahat na hindi babanggitin ni She ang name ni Senator Grace Poe at yun nga ang nangyari.

Well... ganyan talaga sa showbiz and politics, kanya-kanyang palabas.  Kanya-kanyang drama.

Anyway, congrats Sheryl!

Marissa paborito sa LizQuen project

Malaki ang pasasalamat ni Marissa Delgado sa ABS-CBN at GMA-7.  Lagi kasi siyang merong assigned project one after another.  Ang nakakatuwa pa raw, talagang very important roles ang inilalaan sa kanya. 

On and off sa camera si Mardel (short for Marissa Delgado), pero asahan mong sa tuwina ay tumatatak sa moviegoers and televiewers ang kanyang character.  Look, after a long absence, muling napansin ang kakaiba niyang atake bilang Lola ni Enrique sa Forevermore together with Liza Soberano at Joey Marquez.

Kasama rin siya sa  cast of Everyday I Love You ang pangalawang pelikulang pinagtatambalan nina Liza at Enrique na patuloy na kumikita sa ta­kilya.  “Kaya nga i see to it na laging magpasalamat sa Panginoon, kasi blessings ito,” sabi pa ni Tita Mardel.                       

vuukle comment

ALIGN

ANG

ENRIQUE

EVERYDAY I LOVE YOU

GRACE POE

LEFT

MARISSA DELGADO

NBSP

QUOT

SHERYL CRUZ

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with