^

Pang Movies

Alden at Maine magkabuntot na rin kahit sa interview

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mapapanood bukas sa CelebriTV ang kauna-unahang interview kina Alden Richards at Maine Mendoza sa set ng My Bebe Love.

Dinayo ni Papa Ricky Lo ang malayong shooting ng first movie together nina Alden at Maine para sa exclusive interview na ipalalabas sa CelebriTV.

Imposibleng hindi kiligin ang AlDub fans sa mga bagong rebelasyon ng phenomenal loveteam.

Hindi na talaga maawat ang AlDub dahil kaliwa’t kanan na ang kanilang mga product endorsement at billboards.

Makikita na sa Edsa ang giant billboards nina Maine at Alden para sa Belo Medical Clinic ni Dra. Vicki Belo.

AiAi bumalik sa pagkabata

Mapapanood din bukas sa CelebriTV ang birthday celebration ni AiAi delas Alas sa aming show.

Maraming natuwa kay AiAi nang umapir ito noong Miyerkules sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang Lola Baba, ang lola from Russia ni Alden.

Hit na hit sa televiewers ang tarayan portion nina Lola Baba at Lola Nidora na hindi nagpatalbog.

May mga request sa Eat Bulaga na ibalik sa kalyeserye ang mga karakter nina AiAi at Gloria Romero dahil dagdag na tuwa at ligaya ang dulot nila sa televiewers.

Nag-celebrate si AiAi ng kanyang birthday sa isang private function hall noong November 11.

Nag-enjoy ang mga bisita sa bumalik tayo sa pagkabata na concept ng birthday celebration ng Comedy Queen.

Hindi ako nakadalo sa party ni AiAi kaya haharbatin ko na lang ang mga Minnie Mouse pillow na giveaways niya sa mga bisita.

Siyempre, Minnie Mouse ang costume ni AiAi sa kanyang birthday party bilang si Minnie at ang dyowa nito na si Mickey ang mga favorite Disney characters niya.

Kumpleto ang buong pamilya ni AiAi sa birthday party niya at mapapanood ito bukas sa CelebriTV.

Hello Julia Barretto... Janella Salvador nakipagkita sa amang hindi nagpalaki

Good karma si Janella Salvador dahil siya ang gumawa ng paraan na magkita sila ng kanyang tatay na si Juan Miguel Salvador noong August 2015.

Type ko ang ginawa ng star ng Haunted Mansion ng Regal Entertainment Inc. dahil hindi niya ginamit sa publicity ang pagta­tagpo nila ng kanyang ama at naghintay siya ng tamang panahon bago magkuwento.

Nagkataon lang na tinanong si Janella tungkol sa tatay niya sa solo presscon na ipinatawag ng Regal Entertainment Inc.

Nagkuwento si Janella at hinangaan siya ng kanyang mga kausap dahil sa respeto niya kay Juan Miguel.

Ikinukumpara tuloy siya sa mga anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla na may isyu sa kanilang ama.

Hanggang ngayon, dinaramdam ni Dennis ang desisyon ng kanyang mga anak na huwag ga­mitin ang apelyido niya na Baldivia.

Hindi pa nakakausap ng mga reporter si Juan Miguel na masuwerte dahil may mabait siyang anak na kagaya ni Janella.

Introducing si Janella sa Haunted Mansion, ang official entry ng Regal Entertainment Inc. sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Nagpapasalamat ang bagets kay Mother Lily dahil sa big break na ibinigay sa kanya.

Marami ang puwedeng magbida sa Haunted House pero si Janella ang final choice ni Mother at ng anak nito na si Roselle.

Sinuportahan nina Janice de Belen at Iza Calzado ang launching movie ni Janella na excited nang sumakay sa float  at rumampa sa Parade of Stars na magaganap sa  susunod na buwan sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

vuukle comment

AIAI

ALIGN

ANG

EAT BULAGA

JANELLA

JUAN MIGUEL

LEFT

MGA

QUOT

REGAL ENTERTAINMENT INC

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with