^

Pang Movies

Gladys at Christopher parang mag-syota lang nang mamasyal sa Amerika

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sinisiguro ni Gladys Reyes na walang “Made in the USA” na baby sa pagbakasyon nila ng kanyang mister na si Christopher Roxas kamakailan.

Natawa na lang si Gladys dahil baka bigla na lang daw merong mabuo noong mag-U.S. trip sila ng kanyang mister.

 “In fairness, naging maingat kami!” sabay ang malakas na tawa niya.

 “Naku, tatlo na po ang mga anak namin ni Chris. Siguro ay tama na iyon. May dalawang lalaki at isang babae na kami.

 “Kumbaga, naka-bingo na kami kaya okey na kami.”

First trip nga raw nilang mag-asawa iyon na hindi kasama ang mga anak nila. Talagang pinlano raw nila iyon para magkaroon sila ng alone time.

Nag-tour nga sila sa Los Angeles, San Francisco, Seattle and Las Vegas.

 “Lahat naman ng mga biyahe namin ay kasama ang mga bata, pati ang families namin ni Chris.

 “Naisip namin na bakit hindi naman kaming dalawa lang ang magbakasyon?

 “Matagal na rin na hindi kaming dalawa lang mag-asawa. Gusto ulit namin ang feeling na nagde-date kami.

 “Kaya inayos namin talaga itong trip na ito just for the two of us.

 “Para mas makapag-usap kami, magbonding as husband and wife kahit na 16 days lang kami roon,” ngiti pa ni Gladys.

Nora ayaw nang ma-stress sa kaka-drama

Nag-i-enjoy nga si Superstar Nora Aunor sa taping ng kauna-unahang regular na teleserye niya sa Kapuso network na Little Nanay.

Nang tanungin namin kung kumusta ang pakikipagtrabaho nya sa mga bagong artista ngayon, puro papuri ang sinabi ni Ate Guy.

Hindi nga raw mabigat ang naturang teleserye. Pinaghalong light drama at light comedy para sa buong pamilya.

“Hiling ko naman talaga sa GMA na bigyan ako ng magaan na material for a teleserye. Ayoko muna ng mabigat kasi ‘yung mga pelikulang nagawa ko lately, mabibigat lahat.

 “Mahirap ‘yung iyak ka nang iyak. Stressful ‘yon. Kaya dito sa Little Nanay, may konting drama pero tatawa sila.

 “Tsaka hitik ito sa mga magagandang family values kaya para talaga ito sa bawat miyembro ng pamilya,” pagtatapos pa ni Ate Guy.

Piano na dinilaan ni Miley, mabilis na nabenta 

Ang anumang dilaan ng singer na si Miley Cyrus ay nagiging ginto!

Nito lang ay pina-auction ang isang piano sa LGBT Center’s Vanguard Awards gala in Los Angeles.

Tumulong si Miley sa pag-auction ng naturang piano na pag-aari ng musician na si Linda Perry.

Bilang pandagdag suwerte, dinilaan ni Miley ang puting piano at mabilis na nabenta ito sa halagang $50,000!

Ang naturang halaga ay gagamitin para sa pagtulong sa homeless and runaway young people sa U.S. ngayon.

“I want all of you to know that I feel beyond grateful to be in a room full of so many…people who care so much about others because unfortunately that is way too rare in the world that we live in today.

“I’m thinking of tonight not as celebrating what we’ve already done but what we’re doing and what we’re going to do in the future.

“There are more than 1.6 million runaway or homeless young people in the U.S. each year with 40 percent of homeless youth identifying as LGBTQ.

“And in just Hollywood where we are all sitting, royally with all of our food in front of us and all of these fancy ass clothes…something didn’t’ really feel quite right about it when we’re in a city where there are more than 6,100 homeless people under the age of 24 on the streets on any given day and more than one in four of these people have experienced hate crimes due to their race, sexual orientation or their gender identity,” diin pa ni Miley nang gawaran siya ng Vanguard Award dahil sa pagtulong nito sa mga LGBT youths.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATE GUY

CHRIS

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS

LITTLE NANAY

LOS ANGELES

MGA

MILEY

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with