^

Pang Movies

Coffee shop ni Ka Tunying, mas pumatok nang pagbabarilin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Isang pagkilala sa kanyang namayapang ama, si Antonio Taberna Sr. ang pagpapatuloy ni Antonio Taberna Jr. ng maliit na bakery ng ama sa Nueva Ecija, ang Ka Tunying Bakery sa bagong tahanan nito sa two-storey building along Visayas Avenue in Quezon City, na tinawag na nila ng wife niyang si Rossel Velasco-Taberna na Ka Tunying’s Cafe.

Kilala rin kasi ang hard-hitting broadcaster ng ABS-CBN sa tawag na Ka Tunying at kahit daw marunong siya magmasa ng tinapay, kumuha pa rin sila ng chefs na gumagawa ng iba’t ibang klase ng tinapay na hinahaluan ng kalabasa, malunggay, carrot at turmeric powder na good for our body.  Ang mga drinks nila may Pinoy touch din na gamit nila ang barako coffee at cocoa o tablea na sariling recipe ng mga chefs.

Ang cafe ay open mula 7:00 a.m. to 10:00 p.m. kaya ang isini-serve nila all-day breakfast na anytime pwede kang mag-order ng classic na longganisa-sinangag-itlog recipe, relyenong bangus, at iba pang recipes liked champorado supreme at arroz-caldo.

Lahat ito ay ipinagmamalaki ni Ka Tunying na ang wife na si Rossel ang hands-on sa lahat ng bagay. Ang special meet-with-the press ay idea rin ni Rossel para makilala naman nila ang entertainment press.  Hindi rin naman inaalis ni Ka Tunying ang nangyari sa kanilang cafe na kabubukas lamang noong August, ay niratrat na ng mga hindi kilalang mga lalaki.

Wala pa ring resulta ang imbestigasyon, pero naging maingat na lamang sila at ipinagpasalamat na wala namang nasaktan sa mga empleyado nila dahil nangyari ito madaling-araw na.

Pero mukhang ang nangyari ay nakatulong pa para maging curious ang mga tao, para bisitahin ang Ka Tunying’s Cafe.  Tinatawanan na raw lamang niya kapag may nagbibiro na “safe ba dito?” dahil bumabalik-balik naman sila.

Napapanood every morning si Ka Tunying sa Umagang Kay Ganda sa Channel 2. Ang nami-miss ni Ka Tunying ay ang controversial niyang programa na Punto Por Punto at sana raw ay ibalik muli ng management.

Mike lumutang ang galling bilang manliligaw ni Carla

Showing na today ang No Boyfriend Since Birth ng Regal Entertainment Inc. in cine­mas nationwide. Nagkaroon ito ng premiere night last Sunday at bukod kina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang isang napansin ay si Mike Tan na kahit ilang eksena lamang na napanood siya, as a secret admirer ng classmate niyang si Carla, kita raw naman ang husay nito sa acting.

vuukle comment

ANG

ANTONIO TABERNA JR.

ANTONIO TABERNA SR.

CARLA

CARLA ABELLANA

KA TUNYING

KA TUNYING BAKERY

MIKE TAN

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

NUEVA ECIJA

TUNYING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with