^

Pang Movies

‘Pati ako’ Sheryl nanggagamit para maging kontrobersyal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Narinig ko ang radio interview kahapon kay Sheryl Cruz sa DZBB. Sina Ali Sotto at Arnold Clavio ang nag-conduct ng phonepatch interview kay Sheryl na tinanong tungkol sa hidwaan nila ng kanyang tiya na si Susan Roces at ng anak nito na si Senator Grace Poe.

Nag-dialogue si Sheryl na may mga tao raw sa paligid nina Manang Inday at Mama Grace na sagabal sa kanilang reconciliation at kabilang ako sa mga tinukoy niya.

Affected ba ako sa pagdadamay ni Sheryl sa name ko? Of course not! Totoo naman at hindi ko babawiin ang statement ko na wala akong respeto sa mga anak na dinedma ang burol at libing ng kanilang magulang na ginawa ni Sheryl nang mamatay noong 2001 ang kanyang tatay na si Ricky Belmonte.

Iisipin ko na lang na nagpapakontrobersyal si Sheryl at my expense. Baka worried na si Sheryl dahil wala nang pumapansin sa kanyang mga pralalala.

Hindi kasi pinatulan nina Dolor Guevarra at June Rufino ang mga pasabog niya noon na nagmintis. Hindi rin pinatulan nina Manang Inday at Mama Grace ang pagpapapansin ni Sheryl.

Alam ng madlang-bayan na si Sheryl ang unang nag-ingay nang maglabas siya ng statement na hindi niya susuportahan ang presidential bid ni Mama Grace dahil too early pa para kumandidato ito na pangulo ng bansa.

Nag-boomerang kay Sheryl ang kanyang mga pralala. Siya ang nag-nega kaya  naghanap siya ng masisisi at kami nina Dolor at June ang napili niya. Hindi flattering ‘no!

Gladys non stop sa presscon kahit hindi naman host

Apat pala ang mga anak-anakan ko na kasali sa Little Nanay, ang primetime show ng Kapuso Network na mag-uumpisa sa November 16. Kasama sa Little Nanay sina Paolo Contis, Mark Herras, Renz Fer­nandez at Gladys Reyes.

Hindi nakadalo sa presscon kahapon sina Renz at Paolo na parehong may mga previous commitment.

Kahit wala si Renz, nagpa-raffle siya ng cellphone kaya somehow, na-feel ng press ang presence niya. Minana ni Renz ang pagi­ging generous ng kanyang mga magulang na sina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Nabuhay nang todo ang presscon nang mahawakan ni Gladys ang microphone dahil non-stop ang pagsasalita niya. Talk show na talks show host si Gladys sa press launch ng Little Nanay.

Ricky isa sa pinakamabait na artista

Si Ricky Davao ang direktor ng Little Nanay. Lumapit sa table namin si Ricky para ibulong na suportahan ng press ang kanyang bagong project.

Hindi na kailangan ni Ricky na maglambing dahil love siya ng entertainment press.

Supportive ang mga reporter sa lahat ng mga project ni Ricky dahil isa ito sa mga pinakamabait na artista.

vuukle comment

ACIRC

ANG

GLADYS

HINDI

LITTLE NANAY

MAMA GRACE

MANANG INDAY

MGA

RENZ

RICKY

SHERYL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with