^

Pang Movies

Sikat na aktres hindi lang sa BF selosa, sinasakal pati mga online seller na kilala

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaliw ako sa kuwento ng isang online reseller tungkol sa isang top actress. Hindi lang pala sa lalaking karelasyon selosa si top actress. Selosa raw si top actress sa halos lahat ng mga bagay. Kapag naka-close ni top actress ang isang online reseller, ayaw na ayaw pala niya na nagbebenta rin ito ng mga produkto sa ibang mga artistang hindi niya kaibigan.

Kapag nalalaman nga raw ni top actress na nagbebenta sa ibang mga artistang hindi niya type ang online reseller na binibilhan niya, nag-i-stop na siya sa pagbili sa taong ‘yon.

Pero ‘yung isang online reseller na da­ting naka-close ni top actress, dedma lang nang biglang hindi na bumili sa kanya si top actress dahil marami naman siyang mga parokyano.

Hindi naman daw si top actress ‘yung tipong namamakyaw ng mga paninda niya, kaya sabi ni online reseller, hindi siya puwedeng maging exclusive lang kay top actress.

Concert ni Regine hinihiritan ng third weekend

Masaya si Regine Velasquez-Alcasid sa magandang feedback sa Regine at the Theater concert series niya sa The Theater ng Solaire Resort and Casino.

Sobrang successful ang first two nights ng Regine at the Theater at almost sold-out na ang tickets para sa November 20 at 21.

May ibang fans si Regine na nagre-request na magkaroon ng third weekend ang Regine at the Theater.

Pinag-iisipan pa ni Regine ang tungkol doon.

Sabi naman ni Cacai Velasquez-Mitra na co-producer ni Regine sa concert series na ‘yon, maraming mga bagay raw na dapat isaalang-alang.

Sa mga gusto nga palang bumili ng tickets sa Regine at the Theater, dapat na raw bumili sa SM Tickets bago tuluyang maubos ang mga ‘yon.

Raymond wish ma-assign sa Hollywood

Mabuti na lang at sanay mag-travel si Raymond Gutierrez, kaya wala siyang reklamo kahit pabalik-balik siya ng ‘Pinas at Singapore para mag-taping ng entertainment show ng E!

Madalas ding mag-cover ng red carpet events si Raymond.

Enjoy siya sa ganoon dahil gusto niya ang kanyang ginagawa.

Happy naman for Raymond ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil bagay naman talaga siya sa ganoon.

Pangarap nga nila na after Asia ay sa E! naman sa Hollywood ma-assign si Raymond. Noong samahan ko si Raymond, Richard Gutierrez, at Sarah Lahbati sa studio ng E! sa Los Angeles, California, sobrang nag-enjoy roon si Raymond at, at home na siya kaagad.

Lumaki naman sa Beverly Hills si Raymond kaya kung sakaling kukunin siya sa E! sa Amerika ay hindi na niya kailangan pang mag-adjust.

 

vuukle comment

ACIRC

ACTRESS

ANG

BEVERLY HILLS

CACAI VELASQUEZ-MITRA

HINDI

MGA

NIYA

RAYMOND

REGINE

TOP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with