^

Pang Movies

Yaya Dub nagpapakilig na rin sa Snapchat

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Tiyak na marami na naman ang magiging followers ni Maine Mendoza (Yaya Dub) dahil sa pag-post niya ng nakakakilig na video sa bagong social media account niya sa app na Snapchat.

Noong nakaraang Huwebes ay nag-post si Yaya Dub ng first video nila ni Alden Richards na magkasama at nagbibiruan sila.

Ginawa nila ang video habang nasa set sila ng kanilang pelikula na My Bebe Love na isa sa official entires ng Metro Manila Film Festival.

Marami pang mga nakakatuwang videos na ginawa si Yaya Dub sa Snapchat account niya na “divinaursula” na tiyak na ikakatuwa ng AlDub Nation.

Bembol pinagtatawanan ang ‘romansa’ kay Guy

Natatawa lang ang award-winning actor na si Bembol Roco kapag tinatanong siya kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Superstar Nora Aunor.

Magkasama kasi ang dalawa sa GMA 7 teleserye na Little Nanay.

Ilang beses kasing naging leading man ni Ate Guy si Bembol sa mga pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos, Merika, Tatlong Ina… Isang Anak at Minsan May Isang Ina.

Sey pa ni Tito Bembol na para lang daw silang magkapatid ni Ate Guy kaya wala raw na­ging malisya sa kanilang dalawa.

“Kami kasi ni Guy, nagsimula kami bilang magkaibigan.

“Naging parang kuya na ako sa kanya. Tuwing may problema siya, sa akin ‘yan nagsasabi.

“Kaya natatawa lang kami kapag sinasabi nila na nagkaroon kami ng relasyon.

“Never ko kasing naisip ‘yon sa aming dalawa. Talagang para lang kaming magkapatid,” ngiti pa niya.

Maayos na raw ang relasyon ni Bembol sa kanyang mga anak na sina Felix at Dominic Roco. Kung matatandaan ay nagkaroon ng matinding tampuhan ang mag-aama dahil sa naging problema sa pamilya nila.

“Nag-dinner lang kami recently kasi nanalo si Dominic ng best actor sa Quezon City Film Festival.

“I am very proud of my sons dahil they both turned out to be very good actors.

“Ngayon I am working with Felix sa remake ng Angela Markado.

“Hopefully, si Dominic naman ang makatrabaho ko soon.”

Louise bumanat na sa mga tagapagtanggol ni Jake

Hindi nagustuhan ni Louise delos Reyes ang mga nang-bash sa kanyang mga netizens dahil sa pag-post niya ng photo sa Instagram kung saan kasama niya ang ilang cast ng Reel Love Presents Tween Hearts.

Sa naganap na debut party ni Bea Binene muling nagkasama-sama ang cast ng Tween Hearts.

Sa naturang photo sa IG ni Louise, ang nasa larawan ay sina Joshua Dionisio, Kristoffer Martin, Ken Chan, Bea Binene, Barbie Forteza, Krystal Reyes, Joyce Ching, at Derrick Mo­nasterio.

Wala nga sa group photo na ito ang iba pang cast na sina Lexi Fernandez, Yassi Pressman, Elmo Magalona, at pati sina Alden Richards at Jake Vargas.

Si Alden, kahit late ay nakahabol bilang last dance ni Bea. Si Jake ay dumating sa party pero wala itong participation sa 18 roses ni Bea.

Nalungkot lang daw si Louise dahil ang mga nag-comment daw sa photo on her IG ay puro negative ay inaakusahan silang initsapuwera si Jake dahil hindi nga naging maganda ang paghihiwalay nila ni Bea.

Dahil nandoon si Louise at alam niya ang mga nagaganap, siya na ang sumagot sa mga maling paratang ng mga haters at bashers sa kanyang photo.

Ang totoo raw ay biglang umalis daw agad si Jake. Hinanap daw nila ito dahil mag-group photo sila dahil iyon daw ang unang reunion ng Tween Hearts cast.

Dumating nga raw si Jake kasama ang manager nitong si German “Kuya Germs” Moreno.

Nagbigay pa nga raw ng mensahe si Jake para kay Bea sa isang TV interview.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ATE GUY

BEA

BEA BINENE

BEMBOL

DAHIL

MGA

TWEEN HEARTS

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with