^

Pang Movies

Robin nagpapakabanal na!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Mukha ngang nagpapakita ng magandang image ang actor na si Robin Padilla ngayon. Isipin ninyong siya pa mismo ang nagpunta sa PNP sa Camp Crame para ilagak ang mga high powered guns na nasa kanyang pag-iingat dahil ang lisensiya niya sa mga iyon ay matatapos sa Disyembre. Gusto niyang makatiyak na makakakuha muna ng legal na dokumento para sa mga iyon bago niya kuning muli.

Kung matatandaan ninyo, iyan ang naging kaso ni Robin noong makulong siya ng tatlong taon din. Sinasabing nahulihan siya ng mga baril na walang kaukulang dokumento.

Ang mga baril na iyon ay bahagi lamang ng isang pribadong koleksiyon at ni hindi naman pinapuputok. Ginagamit lamang iyon ni Robin sa mga pelikulang aksiyon na kanyang ginawa noong araw. Marami kasi siyang ginawang mga pelikula na kailangan ng baril, at dahil gusto niyang maging makatotohanan iyon, bumili siya ng mga gagamitin sa pelikula. Iyong iba, karaniwang mga “dummy guns” lamang ang gamit.

Alam din naman ni Robin na magkakahigpitan ngayon dahil sa gun ban na ipatutupad dahil sa nalalapit na eleksiyon, kaya nga mabuti rin ang kanyang ginawa na inilagak muna sa Crame ang mga baril na iyon.

Mali nga sigurong gamitin ang salitang isinuko, dahil wala namang kaso ang mga baril na iyon, at may mga legal na lisensiyang nasa pangalan niya. May bisa pa ang mga papeles hanggang sa susunod na buwan. Siguro nga mas tamang sabihing “inilagak” lamang niya iyon pansamantala, o kaya ay “for safekeeping” lang habang wala pa siyang bagong dokumento para sa mga iyon.

Marami na kasing issue kay Robin dahil sa mga ganyan. Kung natatandaan ninyo mas maraming taon na ang nakararaan, nasabit din ang pangalan niya dahil doon sa H World, na sinasabing isang “heavenly military force” na pinamumunuan ng isa niyang kapatid na nagdeklara rin sa sariling isa siyang general.

Mabuti na nga naman iyong umiiwas na siya sa mga ganoong usapan.

AlDub fever umabot hanggang Malaysia

Mas naniwala kami sa kuwentong ito. Isang hindi naman taga-showbiz, hindi naman Pinoy, at lalong walang kinalaman sa mga ganyang usapan ang nagsabi sa amin na sa nga­yon sikat na sikat din si Alden Ri­chards at ang AlDub hanggang sa Malaysia.

Ang nagkuwento sa amin ay ang aming kaibigang si Thomas Choong, siya ang gumawa ng snow machine na ginagamit sa Snow World ng Star City.

Sabi niya maski ang mga anak daw niya ay kinukulit ng mga ka­klase sa iskuwelahan matapos na mapanood ang video ni Alden na kinunan sa Snow World Manila na nasa Star City. Tinatanong daw ang kanyang mga anak kung may pictures siya ni Alden.

Nagtatanong din siya sa amin kung sino nga ba si Maine Mendoza aka Yaya Dub. Hindi raw kasi niya napapanood sa telebisyon pero sinasabi niyang sikat ang mga iyon sa kanila na pinanonood ng mga kabataan sa pamamagitan ng live streaming sa internet o kaya sa mga posted videos ng mga iyon.

Nagulat din siya nang malaman niya na ang popuparidad ng AlDub ay hindi lang sa Asya kung ‘di sa buong mundo na. Ang nakakatuwa lang, sabi nga niya, wholesome namang grupo iyang AlDub, at may nagtuturo pa nga ng magagandang values sa kanilang palabas.

Iyan, hindi pralala iyan dahil walang kinalaman sa showbiz ang nagkukuwento.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ANG

CAMP CRAME

DAHIL

IYON

MGA

NGA

NIYA

SIYA

STAR CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with