^

Pang Movies

AlDub nakatanggap na ng invitation mula kay Ellen DeGeneres?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Apat na buwan pa lang sa showbiz si Maine Mendoza pero matatawag siyang isa sa mga “fastest risings stars” in the business.

Bago maging biktima ng hacker ang mga social media accounts ni Maine, umabot na sa 2.42 million ang followers niya sa Twitter at 1.6 million followers on Instagram.

Meron siyang anim na TV commercials na umeere ngayon at tatlong magazine covers.

Sunud-sunod din ang awards na nakuha ni Maine mula sa Catholic Social Media Summit at Gintong Kabataan Award ng Bulacan.

Nakuha pa nila ni Alden ang highest tweeted hashtag (41 million for #AlDubEBTamangPanahon) at record breaker sila Twitter at sa malaking attendance sa Philippine Arena.

Isama pa ang highest-rated episode ng Eat Bulaga para sa taong ito na 50.8 percent.

Naging most discussed topic ang ALDUB ng mga international news agencies na CNN, BBC, at Bloomberg. Pati na ang BuzzFeed at Straits Times Singapore ay na-feature sila.

Nakatanggap na rin sila ni Alden ng imbitasyon mula sa American TV host na si Ellen DeGeneres na mag-guest sila sa morning talk show nito na Ellen sa U.S.

Mikael ibinubuyangyang na ang kakisigan

Hindi na takot si Mikael Daez na ipasilip ang kanyang kakisigan.

Kelan lang ay lumabas na ang ginawang pictorial ni Mikael para sa isang underwear brand na ini-endorse niya.

First time nga raw na magpakuha si Mikael na naka-underwear lamang at pakiramdam niya ay nasa tamang panahon na para gawin niya ito.

“I got very good feedbacks. Marami na palang naghihintay na gawin ko ang magpakuha na underwear lang ang suot.

“It’s the right time na. I feel na ito na ‘yung tamang panahon kaya ginawa na namin.

“I made sure naman na I’m in my best form. Ayokong may magsabi na nagpakuha ako in my underwear pero hindi maayos ang katawan ko.

“Pinaghirapan ko ang magkaroon ng magandang katawan at proud akong ipakita na ito,” ngiti pa niya.

Malapit nang matapos ang teleserye na My Faithful Husband at kung mabigyan ulit ng kontrabida role si Mikael, iwe-welcome raw niya ito dahil nag-enjoy siyang maging epal sa tambalan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Kris natuwa sa bashers ni Alden

Nagpapasalamat si Kris Bernal sa AlDub Nation na nang-bash sa kanya noong mag-post siya ng photo nila ni Alden Richards sa Instragram account niya.

Dahil daw sa photo na ‘yon, nadagdagan siya ng 13,000 followers sa IG.

Anyway, humihingi ng suporta si Kris sa AlDub Nation para panoorin ang kanyang muling pagbibida sa primetime ng Kapuso network na Little Nanay.

Pinasasalamatan ni Kris na nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makatrabaho ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

“Bawat esksena namin ni Mama Guy, tsine-cherish ko talaga. May photos kami at nakikipagkuwentuhan ako with her. Marami siyang mga kuwento na nakakatuwa.

“At nagpapasalamat ako sa kanya kasi sinusuportahan niya ang adobo business ko.

“Um-order siya ng mga home-made adobo namin na Adobo Classics.

“Nagdala ako sa set at nagustuhan niya. Ayun order pa more si Mama Guy!” ngiti pa ni Kris Bernal.

Sa mga gustong um-order ng Adobo Classics ni Kris, within Quezon City area, heto ang numbers: 0917-8837332 at 622-1703. Meron din itong Instagram at Twitter account na @adoboclassics.

vuukle comment

ACIRC

ADOBO CLASSICS

ALIGN

ANG

KRIS BERNAL

LEFT

MAMA GUY

MIKAEL

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with