^

Pang Movies

Sarah ayaw nang problemahin ang sinasabi nang ibang tao

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Napaka-humble pa rin ni Popstar Princess Sarah Geronimo kahit in-announce na noong presscon ng co­ming concert niyang From The Top na sold out na ang first night nito na gaganapin sa December 4 sa Smart Araneta Coliseum. Kaya naman nag-decide ang Viva Live, Inc. na magkaroon ito ng second night na gaganapin sa December 5. 

“Hindi naman po, may mabibili pa ring tickets sa first night,” nakangiting wika ni Sarah sa presscon na ginanap sa Music Hall sa Metro Walk, Pasig City. “Basta po may manood, magustuhan nila ang concert, dahil maganda po ang kabuuan ng concert, okey na po iyon. Pero nagpapasalamat na po ako sa lahat ng mga sumusuporta.”

Sa tanong kung ano ang bagong mapapanood sa kanyang concert, ngayon daw ay naka-focus talaga siya sa mga song niya. ‘Yung mga top hits at kahit ang mga paborito niyang songs na hindi nag-hit ang kanyang pag-uukulan ng pansin. Napansin daw kasi niya ito sa mga international concerts na napapanood niya. Kinakanta ng mga international singer ang songs nila at one or two covers lamang ang kanilang aawitin.

Nakiusap man si Sarah na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli, sinagot pa rin niya ang issue na hiwalay na raw sila.

“Okey naman po kami, happy naman po kami, hindi naman po kami naghihiwalay. Alam po ninyo, kahit ano’ng sabihin ko, may sasabihin pa rin sila, kaya dumating na ako sa punto na isipin na ninyo ang gusto ninyong isipin, basta ako, alam ko kung ano ang buhay ko, alam ko kung ano ang nangyayari sa akin kaya gusto kong maging private na lamang pagdating doon. Pero naniniwala pa rin akong pwedeng pagsabayin ang career at lovelife, siguro po, nasa pag-uusap na nila iyon at nagkakaintindihan naman sila.”

Huling tanong kay Sarah: si Matteo na ba talaga? Sagot niya: “Siya po ang gusto ko, pero kung kami na talaga, only God knows.”

From the Top will be directed by Paolo Valenciano with Louie Ocampo as musical director. For tickets, call Ticketnet at 911-5555 and Viva Concerts at 687-7236.

Alden at Maine mag-ala Guy & Pip?!

Palakpakan ang Broadway studio audience nang ang gumanap na Tiya Bebeng sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong 16th Weeksary nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) last Thursday ay si Ms. Gloria Romero na tulad ng mga lolas ay naka-dress din with matching hair accessories pa. Natuwa naman siya kay Alden na nangakong maghihintay siya kung kailan magiging sila ni Yaya at humingi siya ng permiso na makasali sila ngayong tanghali sa Gaya-Gaya Pa More. Akala namin ay mag-stay pa si Tiya Bebeng, pero wala na siya kahapon sa kal­yeserye.

Nag-perform na mala-Elvis Presley si Alden at Madonna naman si Yaya. Pero mainit ang ulo ni Lola Nidora (Wally Bayola) at ayaw na sana niyang mag-guest sina Alden at Yaya, nakiusap lamang nang husto ang dalawa at tinulungan nina Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo). Pumayag si Nidora pero sinabi niya kung sino ang gagayahin niya, either daw kina Barbie & Ken, Guy (Nora Aunor) & Pip (Tirso Cruz III) o sina Miley Cyrus & Justin Bieber. Sino kaya ang pipiliin nina Alden at Yaya? Kung sa pakilig, bakit hindi sina Guy & Pip na siya raw gayahin nila?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

LEFT

NAMAN

NBSP

PERO

QUOT

STRONG

TIYA BEBENG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with