^

Pang Movies

Matteo at Shaina hindi pa tatapusin ang ‘pagsasama’

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Cute ang Singe/Single weekly series nina Matteo Guidicelli at Shaina Mag­dayao sa CinemaOne ng Skycable.

Click ang season one ng nasabing series at balitang magkakaroon pa ng another season ‘yon.

Nang makatsikahan ko si Matteo sa MG1 concert presscon niya, ikinuwento ko sa boyfriend ni Sarah Geronimo na inaabangan ko ang bawat episode ng Single/Single at natuwa siya.

Sabi ni Matteo, happy siya sa weekly series na ‘yon.

Kiefer may sarili nang resto, ka-partner pa si Alyssa

May restaurant na pala ang Ateneo de Manila University Blue Eagles basketball player na si Kiefer Ravena.

Nang manalo ang team nila laban sa mga taga-UP noong Wednesday evening, nagyaya si Kiefer sa kanyang teammates na kumain sa nasabing restaurant.

Balitang ka-partner ni Kiefer sa restaurant ang nali-link sa kanya ngayong si Alyssa Valdez.

Ally’s ang pangalan ng restaurant nila Kiefer na obviously ay galing sa pangalan ni Alyssa.

Eh, ang ex-girlfriend kaya niya na si Mika Reyes, imbitahan din kaya ni Kiefer na kumain sa kanyang restaurant?

Push Awards hindi lang daw pang-Kapamilya

Sa November 10 ang kauna-unahang Push Awards ng push.com at gaganapin ‘yon sa Newport Theater ng Resorts World Manila.

Kahit identified ang push.com sa ABS-CBN dahil sister company nga sila ng Kapamilya network, pero huwag daw magtaka kung may artists from other TV networks ang manalo roon.

Actually, pati presentors, hindi lang daw Kapamilya stars dahil may mga kinukuha rin sila mula sa GMA 7 at TV5.

Nilinaw naman ng mga taga-push.com na ginawa ang nasabing entertainment website para mai-promote ang lahat ng mga artista, mga pelikula at kahit na anong mga proyekto na may kinalaman sa local showbiz.

Malinaw na hindi lang ‘yon para sa mga taga-ABS-CBN at sa kanilang mga proyekto.

Ang PLDT nga pala ang broadband partner ng push.com sa Push Awards.
 

vuukle comment

ALIGN

ALYSSA

ALYSSA VALDEZ

ANG

KAPAMILYA

KIEFER

LEFT

MGA

PUSH AWARDS

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with