^

Pang Movies

Matteo tinatawanan lang ang pagpapakasal nila ni Sarah

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahapon bumalik ng Maynila sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez mula sa ilang araw na pagbabakasyon sa Cebu City. Nakasabay namin nina Bisaya at Tito Eddie sa Mabuhay Lounge ng Philippine Airlines sa Mactan International Airport ang boyfriend ni Sarah Geronimo na si Matteo Guidicelli.

Si Matteo ang lumapit sa amin nang makita niya kami. Pagkahalik ni Matteo kay Bisaya, ratsada kaagad ng tanong ang misis ni Tito Eddie.

“Kailan ang kasal n’yo ni Sarah?!” pang-uusisa ni Bisaya kay Matteo. Tawa lang nang tawa si Matteo sa tanong ni Bisaya at sinabing matagal pa. Hirit pa ni Bisaya, “Basta dapat invited ako, ha?!”

Kasama ni Matteo ang nanay niya at isang kapatid na pabalik ng Maynila. Nag-usap ng Cebuano sina Bisaya at Matteo at bumilib ang misis ni Tito Eddie sa galing mag-Cebuano ng boyfriend ni Sarah.

Napansin pa ni Bisaya na sobrang masaya si Matteo, kaya nag-comment siya na mukhang masaya talaga ang binata sa relasyon nito kay Sarah.

Napansin din ni Bisaya na guwapo ang kapatid ni Matteo na si Paolo, kaya nagtanong siya kung mag-aartista rin ang bata, pero kaagad sumagot ang actor/singer na hindi na raw.

Anak ni Ruffa excited sa school kahit may tungkod at ‘di makalakad

Bilib si Annabelle Rama sa dedication ng first grandchild niyang si Lorin Bektas sa pag-aaral. First day of school kahapon ni Lorin sa isang international school at
kahit naka-crutches ang panganay ni Ruffa Gutierrez, sobrang excited pa rin ng bata sa pagpasok.

Nahulog sa hagdan si Lorin noong September at tatlong buwan siyang kailangang naka-crutch.

Ayon kay Bisaya (paboritong tawag kay Tita Annabelle), sobrang hilig
mag-aral ni Lorin, kaya naman kahit hirap pang maglakad dahil naka-crutches nga ay wala namang reklamo ang bata.

Nasa 7th grade na si Lorin at kahit single working mom, sobrang nagtatrabaho si Ruffa para mapag-aral ang kanyang panganay at bunsong si Venice Bektas.

Amalia nasa ospital pa at hindi pa rin daw makausap

Sa tuwing nakikita ko si Niño Muhlach, binibiro ko na stage father siya sa anak na si Alonzo Muhlach.

Sa presscon nga ni Alonzo ng Frabelle Hotdog, katulong ng anak ang
amang si Niño sa pagsagot ng mga tanong ng entertainment press, pero ang anak lang naman ang endorser ng nasabing produkto.

Sa tuwing may itatanong nga pala tungkol kay Alonzo, ang daling kontakin ni Niño at kaagad sumasagot ng mga tawag, pero lately ay marami ang nakapansin na hindi na basta sumasagot ng mga tawag ngayon ang dating child wonder.

Alam kaya ni Niño na marami ang gustong tanungin siya tungkol sa kalagayan ng auntie niyang si Amalia Fuentes na kasalukuyan pa ring nakaratay sa ospital after na ma-stroke sa Korea?

Anyway, habang tinitipa ko ang item na ito ay nag-return call din sa akin si Niño. Nagbakasyon daw kasi sila sa Caliraya, kaya hindi niya nasasagot ang mga tawag ko. Kinumusta ko sa kanya ang auntie niya at sinabing okay naman at nasa ospital pa. Twice pa lang daw siya na nagpupunta sa ospital dahil hindi pa rin naman daw nakakausap ang kanyang Tita Nena.

 

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

AMALIA FUENTES

ANG

ANNABELLE RAMA

ATILDE

BISAYA

CEBU CITY

LORIN

MATTEO

TITO EDDIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with