^

Pang Movies

Sexy actress naninita ng mga nagsusulat ng blind item

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaloka raw ang isang seksing aktres kapag naba-blind item. Tinatawagan daw niya ‘yung writer at sinisita sa pagba-blind item sa kanya, huh!

Pagtawag ng seksing aktres, deny to death siya na siya ‘yung BI. Then, sunud-sunod siyang magbibigay ng rason sa nagsulat.

Pero ang ending, aaminin din ng aktres na siya nga ang nasa blind item, huh!

Ganu’n daw kalukring ang seksing aktres. Denay muna bago ang pag-amin, huh!

Mukhang patay na hitsura pinagkakakitaan na rin sa showbiz

Hindi na ordinaryong okasyon ngayon sa bansa ang Halloween. Relate na relate na rin tayong mga Pinoy!

Nariyan ang trick or treat ng mga bata with matching costume na lumilibot. Kumpara nga lang sa ibang bansa na candies ang pinamimigay, sa atin, may kasama nang coins ang pinanghihingi ng mga bagets, huh!

Maging ang TV shows natin, alive na alive ang pagsusuot ng nakakatakot na costumes ‘pag Halloween. Pero meron namang TV shows na pagandahan naman ang mga costume!

Si Marian Rivera kahapon, aba, Snow White (na buntis) ang drama niya, huh! Sa isang Glam Aswang Party na dinaluhan ni Ruffa Gutierrrez kasama ang boyfriend na si Jordan Mouyal, Skull Queen ang peg ni Rufing habang Dracula naman ang emote ng dyowang afam!

Eh, si KC Concepcion na nasa New York City, terno’t saya ang suot sa Halloween party na dadaluhan! Caption nga niya sa kanyang Instagram account, “Imelda Marcos?!” Ang peg, huh!

Kung dati-rati ay takot ang tao sa mga costumes na pang-patay, ngayon, pinagkakakitaan na ang mga mukhang patay na hitsura, huh!

Haunted mansion saksi sa love triangle nina Janella

Totoong haunted mansion ang pinagsyutingan ng Regal MMFF entry na The Haunted Mansion.

Nagtapos na ang huling shooting daw nito nitong Oktubre 31 kung saan binisita pa ang buong cast nina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Ayon sa post ng Director na si Jun Lana, five years na pala sa kanya ang script ng THM. Kaya naman happy siya’t binigyang buhay na ito sa screen ng Regal at suwerteng napasama pa sa filmfest, huh!

Bida sa horror movie ang teen stars na tinatangkilik na rin ng mga kabataan ngayon, sina Janelle Salvador, Marlo Mortel, at Jerome Ponce. Napansin siya sa morning series na Be Careful With My Heart. Sinundan ito ng lead series ni Janella na OMG! at sina Marlo at Jerome ang leading men niya.

Ngayon, istorya naman ng katatakutan ang handog ng teen triangle sa THM na pasabog agad ang reaksyon ng netizens nang ilabas ang teaser sa social media, huh!

 

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BE CAREFUL WITH MY HEART

GLAM ASWANG PARTY

HAUNTED MANSION

HUH

IMELDA MARCOS

JANELLA

JANELLE SALVADOR

JEROME PONCE

JORDAN MOUYAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with