^

Pang Movies

Mariel naka-recover na sa depression, balik trabaho na

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ginulat ni Mariel Rodriguez-Padilla ang lahat last Sa­turday sa kanyang pagbabalik-telebisyon via Pinoy Big Brother 737. To date, ito ang unang TV appearance ng TV host matapos siyang magkaroon ng miscarriage last August.

Since her miscarriage kasi ay hindi na nakita pa si Mariel kahit sa kanyang show sa TV5 na Happy Truck ng Bayan kaya marami ang nalulungkot for her dahil hindi pa nga marahil siya nakaka-move-on.

Kaya laking gulat ng marami nang sumulpot siya sa PBB 737 last Saturday at inanunsyo ni Toni Gonzaga na siya ang third celebrity house guest.

When asked kung ano ang feeling na muling makabalik sa kanyang dating bahay which is PBB, aniya, “I have mixed emotions, I’m so excited, I’m also nervous, but over-all, I’m really, really happy.”

Matatandaang silang tatlo nina Toni and Bianca Gonzales ang original hosts ng PBB at nang magkita sila ng una that night, nagbiruan sila na may mga dash na ang pangalan nila ngayon.

Si Mariel ay Rodriguez-Padilla na, si Toni ay Gonzaga-Soriano na at si Bianca ay Gonzales-Intal na.

Isa kami sa natutuwa na balik-ABS-CBN na si Mariel at balik na ulit sa work pagkatapos ng huli niyang pagsubok sa buhay. Hindi rin naman biro ang pinagdaanan niya kaya nakatutuwang she’s back now to where she really belongs and very much alive and kicking.

Balik na rin sa kanyang Instagram account si Mariel dahil nag-post na ulit siya last Saturday matapos ang almost 3 months ding pagiging inactive.

Ang unang comeback post ni Mariel sa kanyang IG account last Saturday ay larawan ng mister na si Robin Padilla na may napaka-sweet na caption.

“I love you!!! thank you for being the best husband ever because of you i am contented. If i am blessed with more it will just be a bonus. You are more than enough. More than i could ever ask for. the trials that we faced only made us stronger. thank you for our most memorable trip...the best!!! thanks for showing me how beautiful the world is. this photo was taken in Luxembourg 08/28-08/30 @robinhoodpadilla,” ang caption ni Mariel sa picture.

Pangalawang picture na pinost ni Mariel ay larawan na niya na nasa harap ng PBB house at may caption na “ako po si Mariel Rodriguez Padilla ang Kapitbahay ni Kuya”.

Sylvia tinuruang umarte ang anak      

One thing na itinuturo ni Sylvia Sanchez sa anak na si Ria Atayde ay huwag ma-intimidate kapag may ka-eksenang magaling na mga artista since baguhan pa nga lang siya.

 “Tinuruan niya akong huwag ma-intimidate sa iba. Instead of being intimated, level with them, parang ganu’n,” say ni Ria.

Lagi rin daw siyang igina-guide ng ina at ito ang critic niya kapag may mga maling napuna sa kanyang acting.

May post si Sylvia sa kanyang Facebook account kung saan ay sinasabi nitong very proud siya kay Ria. At ayon sa newbie actress, maging siya ay nagulat at hindi niya raw alam kung saan na-proud ang ina sa kanya.

“I was working out, then out of nowhere, bigla na lang nakita ko ‘yun, sabi ko, “ay, wow! Why?” Siguro natutuwa lang talaga siya. Actually, parati naman, eh.

 “Like kunwari, Ningning (show nilang mag-ina), tapos nasa house kami, tapos tatawagin niya ako para bumaba, para po mabigyan niya ako ng mga feedback sa mga eksena, ganyan. Sasabihin niya, “ay ‘yan, gusto ko yang acting mo diyan, ay anak, parang may kulang ka diyan sa eksenang ‘yan”. Ganu’n,” kwento ni Ria.

Basta raw nasa bahay silang lahat ay sabay-sabay silang nanonood ng Ningning pati ang kanyang daddy (Art Atayde).

Lahat daw ng sinasabi ng kanyang ina when it comes to her showbiz career ay talagang sinusunod niya lalo na nga sa pag-arte dahil alam niyang napakagaling ding artista ng kanyang mom.

 “Alam ko namang I have a lot to improve pa, ang dami ko pang pwedeng magawa, so parang I’m just open-minded in terms of everything,” she said.

Samantala, bilib na bilib si Ria sa child star na si Jana Agoncillo na bida sa Ningning. Napakatalinong bata raw at pati ang dialogue niya ay memorized ng bagets.

 “Saka marunong siyang mag-adlib. Grabe, sobrang talino, sobra!” say ni Ria na gumaganap na Teacher Hope sa Ningning.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ART ATAYDE

HAPPY TRUCK

JANA AGONCILLO

KANYANG

MARIEL

NBSP

NINGNING

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with