^

Pang Movies

Imahinasyon ng fans malala na namayapang ina ni Alden, kamukha raw ni Maine

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ni-research ng fans ni Alden Richards ang puntod ng kanyang ina dahil hoping sila na ma-sight nang personal ang hottest actor of the moment.

Knowing Alden, baka sa ibang araw siya bumisita sa libingan ng kanyang ina dahil tiyak na pagkakaguluhan lamang siya ng fans.

Nag-post sa Facebook ang tatay ni Alden ng picture ng kanyang departed wife na may caption na “I miss you.”

Sumobra yata ang imagination ng AlDub fans dahil sa paningin nila, kalokalike ni Maine Mendoza ang madir ni Alden kaya lalong lumakas ang kanilang kutob na ang dalawa ang magkaka­tuluyan. Kalurky ‘di ba?

Pero dedma pagdating kay Winwyn Mark hindi nauubusan ng kwento tungkol sa anak

Parang walang narinig si Mark Herras sa guesting niya sa CelebriTV nang biruin siya ni AiAi Delas Alas tungkol kay Winwyn Marquez.

May mga nagmalisya na baka break na ang dalawa kaya dedma si Mark o talagang ayaw nito na pag-usapan ang lovelife niya.

Pero kapag ang anak niya si Ada ang topic, hindi nauubusan ng kuwento si Mark. Love na love niya talaga ang bagets at dito umiikot ang mundo niya.

Pagiging ampon daw ni Alden, hindi bumenta

Hindi sineryoso ang intriga na ampon lamang si Alden ng tatay niya na si Richard Faulkerson, Sr.

Kitang-kita naman na malaki ang pagkakahawig ng dalawa at pareho ang mannerisms ng mag-ama.

May anggulo na kamukhang-kamukha ni Alden ang tatay niya at vice versa. Wala na lang sigurong masabi ang mga nang-iintriga kay Alden kaya kung anik-anik na lang iniimbento nila na tsismis.

Tatay ni Alden, hindi nagpapainterbyu

Marami ang may gusto na mainterbyu ang tatay ni Alden tungkol sa success ng kanyang anak.

Sa pagkakaalam ko, hindi nagpapainterbyu ang tatay ni Alden at hanggang social media lang ang komunikasyon niya sa fans ng kanyang anak.

Tama ang ginagawa ng fadir dahil kung magpapainterbyu siya, iisipin ng mga Bitter Ocampo na stage father siya. Enough na ang taos-puso na pasa­salamat niya sa milyun-milyong supporters ng kanyang anak.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BITTER OCAMPO

DELAS ALAS

KNOWING ALDEN

MAINE MENDOZA

MARK HERRAS

NIYA

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with