^

Pang Movies

Kiefer Ravena umamin na sa relasyon nila ni Alyssa!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hayan, idineklara na ng Ateneo basketball player na si Kiefer Ravena na nililigawan niya si Alyssa Valdez, star volleyball player ng Ateneo, nang interbyuhin sila ni Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda last Friday.

Saad pa ni Kiefer, in love raw siya kay Alyssa, huh! Pero hindi pa raw sila couple sabi ng dalawa. Time lang daw ang magsasabi kung may chance si Kiefer. Saad pa ng basketbolista, gusto niya ang personalidad ni Alyssa. “Very vibrant. Very infectious ‘yung vibe niya eh. ‘Pag nakakasama ko siya laging masaya lang. ‘Yun siguro ang pinakagusto ko sa kanya,” rason ni Kiefer.

Malaking factor din ang pagiging athletes nila kaya sila nagkakasundo, ayon sa volleyball player. Pero ina­min ni Alyssa na napapasaya siya ni Kiefer.

Bago si Alyssa, nakarelasyon ni Kiefer ang De La Salle volleyball player na si Mika Reyes at na-link kay Jasmine Curtis Smith. Sa totoo lang, nagiging showbiz si Kiefer dahil very showy siya sa kanyang personal life, huh!

Yul Servo hindi takot na ilabas ng kalaban ang mga hubad na larawan

Puntirya rin ni Konsehal Yul Servo ang Kongreso sa 2016 sa third district ng Maynila.

Nagtapos na ang tatlo niyang terms bilang Konsehal kaya naman gusto niyang ipagpatuloy ang pangarap na makasungkit ng mas mataas na posisyon.

Dati-rati ay nakakarinig siya ng pasaring na artista lang siya nang unang tumakbo. Pero sa unang subok niya, panalo agad siya. Nu’ng second try niya, hayun at pumangalawa siya at sa huling takbo niya nu’ng 2013, number one sa konsehal na naihalal ng third district. “’Yun ang greatest achievement ko. ‘Yung pagtiwalaan ng tao bilang konsehal. Lalo nung number one. Mga antigo ang kalaban ko. Konti lang ang hangad ko na maging number one,” saad ni Kon. Yul nang makausap ng ilang members ng press.

Kung dati ay mahiyain si Yul, ngayon, nahasa na siyang makipag-usap at humarap sa mga tao. “Takot ako dati lalo na ‘pag nasa showbiz ako, gusto ko, humarap lang sa ka­mera at umarte. Pero rito, nagkaroon ako ng kaibigan, kakilala. “Buti na lang, magaling ang ma­nager ko, si Maryo delos Reyes na tinutulungan ako sa pulitika. ‘Yun nga lang, nabawasan lang ang trabaho ko sa showbiz!” katwiran ng actor-politician.

Nakabuti rin na sa partido ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na Asenso Manileño kaya wala siyang masyadong hirap at nakaaway habang konsehal. “Naging maganda ang takbo ng political career ko at hindi stressful! Ngayon, mas ma­tindi ang labanan dahil isa lang ang posisyon na target naming magkakalaban,” sabi pa niya.

Komo mahigpitan ang labanan sa Congressman, hindi ba siya takot na ilabas ‘yung mga sexy pictures niya noong aktibo pa siya sa showbiz? “Parte naman po ‘yon ng trabaho ko sa showbiz. Hindi ako natatakot. Nangyari na kay Vice Isko noon pero wala ring nangyari. Wala, wala pa namang nangyaring ganoon sa akin,” katwiran ni Konsehal Yul. Sa Presidente, si Senator Grace Poe ang susuportahan niya.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA

ALYSSA VALDEZ

ANG

ASENSO MANILE

KIEFER

LANG

NIYA

PERO

SIYA

YUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with