^

Pang Movies

Patay na patay noon kaya sinundan pa sa Maynila, Annabelle hindi malimutan kung paano nagsimula ang love story nila ni Eddie

Jun Lalin - Pang-masa

CEBU CITY, Philippines – Kahapon ang 63rd birthday ni Annabelle Rama at isinama niya ako rito sa kanyang hometown.

Kasama rin namin ang mister niyang si Eddie Gutierrez at nagkaroon lang si Bisaya (paboritong tawag sa dating sexy actress) ng simple birthday dinner with some friends at mga miyembro ng Rama clan.

Habang kumakain, panay ang balik-tanaw ni Bisaya sa pagsisimula ng relasyon nila ni Tito Eddie.

Hindi makalimutan ni Bisaya na kahit sikat na sikat si Tito Eddie noon ay napansin ng aktor ang beauty niya nang magkaroon ito ng personal appearance rito sa Cebu. Sobrang na-in love si Bisaya kay Tito Eddie, kaya sinundan niya ito sa Maynila hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon at isinilang nga niya si Ruffa Gutierrez.

“Hindi matanggap ng iba na sa isang probinsiyanang katulad ko lang napunta si Eduardo,” sey ni Bisaya.

Bisaya hindi na tatakbo sa Cebu

Hindi kasama ni Bisaya ang kanyang mga anak na nagpunta rito.

Sa Huwebes pa kasi ang belated birthday dinner ni Bisaya at gaganapin ‘yon sa isang hotel sa may Pasay City.

Imbitado roon si Daisy Romualdez na ilang taon ding nakatampuhan ni Bisaya.

Simula nang magkabati sina Bisaya at Tita Daisy sa birthday ni Baby Aria, palagi na silang nagkakasama sa mga lakaran.

Walang sumbatang naganap sa pagbabati nina Bisaya at Tita Daisy.

Kung makikita ang dalawa ngayon, parang hindi sila nag-away.

Walang katotohanan na ipangsa-substitute si Bisaya sa isang kandidato ng mga Rama rito.

Sabi ng misis ni Tito Eddie, tutulungan na lang niya ang pinsang si Cebu City Mayor Michael Rama at hindi na talaga siya kakandidato.

Alfred active na active sa social media

Kahit kumandidato uli sa pagka-representative ng 5th district ng Quezon City si Alfred Vargas, hindi naman daw nangangahulugan na tuluyan na niyang tatalikuran ang showbiz.

Pagkatapos daw ng eleksiyon, puwede pa naman daw siyang magkaroon ng showbiz projects.

Pero sa ngayon nga, kahit walang malakas na kalaban, pulitika muna ang tututukan ni Alfred.

Oo nga pala, kahit busy sa pulitika, active rin si Alfred sa social media lalo na sa Instagram.

May sariling IG account si Alfred at kapag hindi masyadong abala, panay ang like niya sa mga litratong ipino-post ng mga taong pina-follow niya.

Nagpa-follow rin si Alfred kina Alden Richards at Yaya Dub o Maine Mendoza at natutuwa siya sa mga ito. Panay rin ang like niya sa pictures ng AlDub.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALFRED VARGAS

ANG

ANNABELLE RAMA

BABY ARIA

BISAYA

CEBU

HINDI

NIYA

TITA DAISY

TITO EDDIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with