^

Pang Movies

AiAi maraming hawak na alas laban kay Kris

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Exciting ang darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) at inaabangan na ang banggaan nina Kris Aquino at AiAi Delas Alas sa mga sinehan.

Balitang babawiin ni AiAi ang koronang naagaw sa kanya sa pagiging Comedy Queen. Medyo nagpalamig lang muna si AiAi dahil marami siyang pinagdaraanan.

Sa “labanan” nila ng dating BFF (Best Friend Forever) na si Kris, maraming barahang alas na hawak si AiAi. Naririyan ang super kapareha niyang si Bossing Vic Sotto plus AlDub love team nina Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza.

Maria Labo parang hindi pang indie ang budget

Isa na namang baguhang indie film producer ang nadagdag sa taong ito, ang KIB Films na balitang gumastos ng walong milyon para sa horror movie na Maria Labo introducing Kate Brios. Pang All Saints’ Day sana ang movie kaso nadelay dahil sa shooting sa Dubai. Istorya ito ng isang OFW na taga-Davao na nasalinan ng dugong aswang habang nasa Dubai. Nahirapan ang baguhang si Kate Brios, pero pasado ito sa direksiyon ni Roi Vinzon at pasado rin sa kaparehang si Jestoni Alarcon.

Sa walong milyong ginastos, hindi na considered na indie film ang Maria Labo. Sana tulungan natin na kumita ang mga baguhang producer na nagbibigay trabaho sa mga artista. Sana huwag matulad sa iba na sa halip na tulungan ay niloloko pa ng namamahala sa indie films komo’t baguhan lang. Mabuti na lang at Viva films ang tutulong sa KIB films.

Alden dati ay papasyal-pasyal lang kasama ang aso

Ibang klase rin si Alden Richards dahil hindi siya naapektuhan ng kanyang kasikatan. Noong araw sa kanilang subdivision sa Sta. Rosa, Laguna ay akay-akay lang daw ng binata ang kanyang aso habang namamasyal. Tisoy ang tawag kay Alden ng mga kababayan.

Ngayon, hindi na puwedeng mamasyal si Alden. Akala mo ay palaging may rally na nagkakagulo ang mga tagahanga kapag nakikita na siyang paparating.

Palaging umiiyak si Alden kapag kumakanta, lalo na kapag kasama si Maine “Yaya Dub” Mendoza. Si Yaya Dub ang babaeng makabago pero ang pag-uugali ay makaluma, tulad ng pagi­ging marespeto sa matatanda at ang pagmamano sa matatanda. Pamangkin siya ng dalawang Bulacan Governor na sina Josie Dela Cruz at Jon Jon Mendoza at parehong taga-Bocaue Bulacan.

                             

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

KATE BRIOS

LEFT

MARIA LABO

NBSP

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with