^

Pang Movies

Regine walang arte sa recycled gowns!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Walang isyu kay Regine Velasquez-Alcasid kung i-recycle man niya ang nasuot na niyang gown.

Eh, updated din si Songbird sa isyu ng recycled gown nina Kim Chiu at Maine Mendoza aka Yaya Dub na pinagpipistahan ngayon sa social media.

Eh, next week na kasi ang kanyang Regine At The Theater simula sa November 6 and 7, hanggang November 20 and 21, sa Solaire Resorts & Casino kaya natanong sa kanya ang opinyon niya sa gowns na  isusuot.

“Actually, isa lang ang main ko pero may dagdag-dagdag na sa stage. Sabi ko, ayokong mag-quick change simply because the rep(ertoire) is very hard. So we have two acts. Ang major change ko is sa second half ng concert. Kasi wala rin akong guest na may (solo) song doon eh. Lahat ka-duet ko. So wala talaga akong chance.

“So ang major change ko ay sa second half ng show kasi meron kaming ten-minute intermission.

“Eh, keber ko naman kung magsuot ako ng recycled na gown! Ang mahal ng gown, tapos, isang beses mo lang gagamitin? Bili ko na lang ng gatas ng anak ko ‘yung pera! Ha! Ha! Ha!” katwiran ni Regine sa presscon niya sa The Luxent Hotel.

Sa totoo lang, problemado nga parati ang kapatid ni Regine na si Cacai Mitra kapag may concert si Regine. Kasi naman, ang daming bading raw na gustong magdamit kay Songbird.

“Ganoon ang nangyayari bilang Reyna naman siya ng mga bading, ‘di ba? Pero zero sa amin ang recycled na gowns!” sabi naman ni Cacai.

Eh, sa concert, walang director na kinuha ang magkapatid. Si Cacai ang in charge sa stage habang si Regine naman sa mga kakantahin. “Pero ganoon din kalaki ang aming preparasyon,” sey ni Reg.

Ipinaaalam din ni Cacai na hindi magbebenta ng tickets sa opening night ng show sa Solaire. Kaya naman daw ‘yung gustong makabili ng tickets in advance ay pumunta sa SM Tickets na nabibili sa mga SM Cinemas at sa Ticketnet sa Customer Service Section ng department store.

Special guests ni Regine sa kakaibang konsepto ng concert niya sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Audi Gemorra.

Tinanong namin siya kung bakit hindi niya guest ang asawang si Ogie Alcasid, tugon na, “Hayaan mo na siya! Nagsi-sex naman kami! Ha! Ha! Ha!”

Natanong muli kay Reg kung handa ba siyang mag-endorse ng kandidatong presidente next year.

“Hinahayaan ko na sa asawa ko diyan! Hindi kasi ako masyadong…Actually, nang maging asawa ko si Ogie, natuto akong bumoto! Hindi talaga ako bumuboto! Ha! Ha! Ha! Dahil sa kanya, nakaboto ako last 2013. Kaya sure na boboto ako next year!” sey pa ni Songbird.

Lovi iniwan na ni Rocco!

Iniwan na naman pala ni Rocco Nacino ang girlfriend na si Lovi Poe.

Sa post ng Kapuso actor sa kanyang Instagram account, nasa Tokyo ngayon siya dahil dumalo siya sa Tokyo International Film Festival kasama ang director na si Paul Sta. Ana para sa movie niyang Balut Country.

Eh, bago umalis si Rocco, nag-shoot naman sila ni Lovi ng movie nilang Lakambini. At least, nagsama naman sila bago siya lumipad.

After all, nu’ng lumaban naman sa Ju Jitsu sa Japan si Rocco, sinamahan siya ni Lovi at nakapagliwaliw rin sila sa Land of the Rising Sun, huh!

vuukle comment

ACIRC

AICELLE SANTOS

ANG

AUDI GEMORRA

BALUT COUNTRY

CACAI

CACAI MITRA

CUSTOMER SERVICE SECTION

LOVI

NAMAN

ROCCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with