^

Pang Movies

Amy maligaya sa piling ng tatlong lalaki!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Humagalpak ng tawa ang host-actress na si Amy Perez sa tanong kung package deal ba ang asawang si Carlo Castillo pati ang anak nila sa TV commercial ng produktong Strike Mosquito Repellant mula sa ATC Health Care.

First time kasing inilantad ni Amy ang asawa’t anak sa TVC kaya naman itinanong sa kanya ‘yon nu’ng launching nila as endorser.

“Ha! Ha! Ha!” tugon lang ni Amy sa tanong. “But at least, legal na ito, huh! Kaya proud ako! Ha! Ha! Ha!” rason niya dahil annulled na ang kasal niya sa unang asawa kaya nagpakasal na rin sila ni Carlo.

Eh kahit may radio show at morning TV show sa Kapamilya Network, hands on mommy pa rin si Amay (tawag sa kanya). Gising man siya dahil sa morning show, pagda­ting naman ng hapon ay siya ang tumitingin sa dalawang anak dahil panghapon naman ang trabaho ng asawa.

Napansin nga lang ni Amy na ang bunso niya ay parang susunod sa yapak niya bilang artista.

“Talaga kasing umaarte siya, huh! Kaya sabi ko sa tatay niya, malamang na ang bunso ang pumasok sa showbiz! Wala namang problema sa akin,” saad niya.

‘Yung panganay niyang si Adi sa unang asawa ay 18 years old na. Six years old lang ang bata nang iniwan sila ng ama.

“Kaya naman nu’ng turuan siya ni Carlo ng tamang hygiene at siyempre, dinidisiplina minsan, nabanggit niya, ‘Mahirap pala ang may tatay!’” chika pa ni Amy.

Kaya si Amy, hindi niya pinalalampas ng isang linggo na wala silang bonding ni Adi at nagkikita rin daw sila ng ama nito.

Sa totoo lang, larawan ng kaligayahan si Amy sa piling ng tatlong lalaki sa buhay niya ngayon – ang panganay na si Adi, ang bunso, at asawang si Carlo – kumpara nu’ng panahong hindi niya malusutan ang annulment case sa unang kasal.

Anyway, water-based ang produkto ng ATC Health Care kaya naman walang dapat ipag-alala ang mga magulang na baka makasama ito sa kalusugan ng mga batang makaaamoy. Paalala ng ATC, merong promo na buy one take one ang Strike simula ngayong November 2, 2015 hanggang Mayo ng 2016.

Engrandeng kasal ng apo ni Mother Lily, inaabangan sa Bora

Malalaking personalidad sa showbiz at pulitika ang magiging ninong at ninang sa kasal ng unang apo ni Mother Lily na si Keith Ryan, panganay na anak ni Roselle Monteverde.

Ilan dito ay sina Governor Vilma Santos-Recto, Antonio Tuviera, Jose Javier Reyes, Chito Roño, Charo Santos-Concio, Senator Loren Legarda. Robina Gokongwei Pe, Cory Vidanes, Atty. Annette Gozon at iba pa.

Isang beach wedding ang kasal ni Keith kay Winni Wang sa Boracay at sa isang sosyal na hotel doon ang reception.

Isang successful lawyer si Keith kaya naman proud na proud si Mother at ang mother niyang si Roselle.

Eh, hindi nagpahuli si Manay Lolit Solis na nagpa-book ng sarili upang makadalo sa kasal. Anak-anakan niya si Keith nu’ng bata pa siya at bago nag-aral sa abroad.

vuukle comment

ACIRC

ADI

AMY

AMY PEREZ

ANG

ANNETTE GOZON

HEALTH CARE

KAYA

KEITH

MOTHER LILY

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with