^

Pang Movies

Dennis wala nang paki sa apelyido ni Julia!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Binibigyan na ng laya ni Dennis Padilla ang anak na si Julia Barretto na gamitin ang anumang apelyido na gusto nito.

Sa presscon kahapon ng pelikulang Maria Labo ng Viva Films, kinumpirma ng komedyante na inurong na niya ang isinampang Motion To Intervene noon para tutulan ang petisyon ng anak na alisin ang Baldivia na surname ng ama sa pangalan nito.

Ayon kay Dennis, noong Sept. 18 pa raw niya inurong ang kanyang petisyon dahil 18 na ang anak at may karapatan nang pumili kung anong family name ang gusto nitong gamitin.

“Kasi, before noong debut, ’di ba, sabi ni Julia, iwi-withdraw niya ‘yung petition niya na tanggalin ang family name ko, and that was March. After 6 months, wala namang withdrawal na nangyari, so ako na lang nag-withdraw.

“Kasi, number one, kahit manalo ako, kunyari manalo ako na dapat pa rin niyang gamitin ang family name ko, eh 18 na siya, eh. She can still remove it. Kasi karapatan na ng 18-year-old – dahil adult na siya, na magpalit ng family name,” paliwanag ni Dennis.

“Kaya lang naman ako nag-oppose nung nakaraan, kasi minor siya, eh. Nung i-file ‘yun, 16 lang siya. So, ang ongoing case ko ngayon, isa na lang, ‘yung kay Claudia (pangalawang anak nila ni Marjorie Barreto) na lang, kasi 16 pa lang siya.

“So may balita ako na idinismis na ng judge ‘yung kaso ni Claudia, so ang hahabulin ko na lang, makakuha ako ng kopya ng dismissal para maipakita sa eskwelahan ni Claudia sa Everest International School na ibalik ang Baldivia sa apelyido ni Claudia.

“Kasi right now, they changed their family name to Barretto. Kaya nung graduation ni Claudia sa Everest, which was I was not invited pero I was able to know na mayroong graduation, so naka-attend ako by surprise. Kasi ‘yung isa sa magulang nung kaklase, kakilala ko. So nagmagandang loob na sabihin sa akin na “Dennis puntahan mo”,” kwento pa ni Dennis.

Doon nga raw niya nalaman na Barretto na ang ginagamit na surname ni Claudia at aminado siyang sumama ang loob niya kaya hindi niya tinapos ang graduation dahil lalo lang sasama ang loob niya kapag marinig niyang tatawagin na Claudia Barretto ang anak.

Naihinga rin niya na hindi raw niya nahihiram ang kanyang mga anak at hindi niya alam kung paano sustentuhan ang mga ito.

“Hindi ko sila nahihiram saka hindi ko alam kung paano sila iri-reach out, hindi ko alam kung paano ipapadala ang pera, hindi ko alam kung paano sila tatawagan, hindi ko alam kung paano sila ite-text.

“Actually, nagte-text ako at tumatawag pero walang reply. And eventually, ‘yung hinapo ka ba, napagod.”

Natanong din si Dennis kung bakit ganun ang relasyon niya sa mga anak at aniya ay hindi rin niya alam.

“’Yun siguro ang disadvantage ‘pag walang pera masyado ang tatay,” he said.

Samantala, kahit may mga problema si Dennis sa mga anak, pagdating naman sa kanyang career ay happy ang komedyante dahil marami siyang proyekto ngayon.

May regular teleserye siya sa ABS-CBN, ang Ang Probinsiyano, may Deal or No Deal din siya araw-araw at every Saturday naman ay isang buwan pa raw siyang mapapanood Celebrity Playtime ni Billy Crawford plus ito ngang Maria Labo at may bago pa ulit siyang pelikulang ginagawa.

Ang Maria Labo ay tungkol sa urban legend sa parteng Visayas na Maria Labo nga ang tawag. Siya ang aswang mula sa Iloilo na kumatay sa kanyang mga anak at inihain pa sa kanyang asawa matapos niya mismong pagpistahan ang mga ito. Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na tuloy pa rin ang pag-atake ni Maria Labo kaya naman naging intresado ang batikang aktor at direktor na si Roi Vinzon para gawin itong pelikula.

Showing na sa Nov. 11 ang Maria Labo na pinagbibidahan ng baguhang si Kate Brios. Kasama rin sa movie sina Jestoni Alarcon, Sam Pinto, Baron Geisler, Rey “PJ” Abellana at Rez Cortez.

Heart ginulat ng asawa

Kahit busy sa pulitika, hindi pa rin kinakalimutang sorpresahin ni Sen. Chiz Escudero ang kanyang misis na si Heart Evangelista.

Tuwang-tuwa si Heart nang bisitahin siya ng mister sa set ng Beautiful Strangers sa Quezon City noong Miyerkules (Oct. 21).

Ipinost pa ni Heart sa Instagram ang litrato nila ni Chiz habang bumibisita ang senador.

“Haha! huli cam! Thanks Direk LA for this candid shot! :) my hubby visiting the set:) he surprised me,”sabi ni Heart sa caption ng nasabing larawan.

Kandidato bilang bise presidente si Chiz. Ang tandem nila ni Sen. Grace Poe ang siyang nangunguna sa mga surveys.

Hindi pa nga nag-uumpisa ang kampanya ay tinatawag ng “busy bee” ni Heart ang mister dahil sa sobrang hectic ng schedule nito.

Ganu’n pa man, sinisiguro pa rin ni Chiz na may time silang mag-date ng asawa. Nanood pa nga sila ni Heart ng obra maestra ni Jerrold Tarog na Heneral Luna kamakailan, ayon kay Chiz.

vuukle comment

ACIRC

AKO

ANAK

ANG

CHIZ

CLAUDIA

HINDI

KASI

MARIA LABO

NIYA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with