^

Pang Movies

Pamilya ni Yaya Dub ipinasara ang sosyal na restaurant para mag-party!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang Annabel’s restaurant ang venue kahapon ng presscon ng ATC Healthcare para kay Amy Perez, ang endorser ng mga insecticide products ng kompanya na sunud-sunod ang mga event kaya obvious na kumikita ang negosyo nila.

Dahil early bird ako sa isa aking mga favorite restaurant, nalaman ko na idinaos sa Annabel’s noong Linggo ang birthday parties ng tatay at kapatid ni Maine Mendoza, pati ang binyag sa kanyang bagong silang na pamangkin.

Parang ipinasara ng buong pamilya ni Maine ang Annabel’s at afford naman nila dahil rich family sila.

Maaga pa lang, nasa Annabel’s na ang Mendoza family kaya naroroon si Maine nang mag-usap sila ni Alden Richards sa telepono na live na napanood sa Sunday PinaSaya.

Napakalapit lang ng kinaroroonan ni Maine sa studio ng Sunday PinaSaya sa GMA 7.

Alden itsinitsismis na ampon!

Natawa ako sa topic ng mga reporter na hindi naimbitahan sa big show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena noong Sabado.

Narinig daw nila ang tsismis na hindi tunay na anak si Alden ng tatay niya na si Richard Faulkerson, Sr.

Ang intriga na ampon siya ang pruweba na star na talaga si Alden dahil kung anik-anik na lang ang mga isyu tungkol sa kanya.

Knowing Alden, pagtatawanan lamang niya at ng kanyang fadir ang tsismis.

Walang reason para maaapektuhan ang mag-ama dahil lalong ikakasikat ni Alden ang bagong kontrobersya sa buhay niya.

Liz Uy namimiligrong mabawasan ang kliyente

Waiting ang mga intrigera sa statement ng celebrity stylist na si Liz Uy tungkol sa recycled gown na ipinagamit niya kay Yaya Dub sa Philippine Arena noong Sabado.

Gustong malaman ng mga intrigera at sulsulera ang brilliant excuse at explanation ni Liz na nahaharap ngayon sa malaking pagsubok.

Nakasalalay sa mga depensa ni Liz ang styling career nito dahil kapag nalabnawan ang madlang-bayan sa explanation niya, baka mabawasan ang kanyang mga kli­yente.

Ayaw na ayaw pa naman ng mga artista at ng mga sosyalera na may kaloka-like ang kanilang mga damit, lalo na ang mga paying customer.

Kaya nga sila nag-hire ng stylist para wala silang kaparis, tapos magkakaroon sila ng mga katulad. Ano’yon?

Yaya Dub hindi apektado sa recycled gown

Sa true lang, parang hindi affected si Maine Mendoza na recycled gown ang ipinasuot sa kanya ni Liz Uy.

Mas affected ang fans na emotera at feeling nila, na­daya ang kanilang idol.

Karapatan ng fans na mag-react at magtanong dahil binayaran at hindi basta hiniram ang gown. Higit sa lahat, ang artista na tinatangkilik nila ang involved at naisahan.

Namuhunan ang Eat Bulaga kaya may right sila na humingi ng paliwanag. I’m sure, libu-libong piso ang pres­yo ng gown na naisuot na pala ng ibang artista.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

AMY PEREZ

ANG

ANNABEL

EAT BULAGA

LIZ UY

MAINE MENDOZA

MGA

PHILIPPINE ARENA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with