^

Pang Movies

Alden nataranta sa boses ni Yaya Dub

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabosesan agad ng audience ng Sunday PinaSaya kahapon si Yaya Dub/Maine Mendoza sa segment ni Alden Richards na DJ Bae.

Hiyawan at kilig much ang audience sa boses na ‘yon na kunwari ay nagpaparating ng pasasalamat kay Alden Richards dahil sa nangyari sa Ang Tamang Panahon show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena nu’ng Sabado.

Masasabing spill/hang over ito ng AlDub Nation at pantapat din ng programa sa ASAP 20 na may special show sa Davao City kahapon.

Matapos mag-usap nang live sa phone, napalahaw si Alden ng, “Hindi ninyo ako in-orient dito! Ha! Ha! Ha!” at saka nagsayaw ng Fantastic Baby na signature dance ni Maine.

Kahit ilang minuto lang, malaking tulong sa SP ‘yon upang muling makabog ang kalabang show, huh!

Jose at Wally, nag-ala Janno at Ogie kay Regine

Akala namin, si Janno Gibbs ang ka-duet ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sunday PinaSaya kahapon. ‘Yun pala, si Wally Bayola ang nagpanggap na Janno at kinanta ang parte ng kanta ni Janno, huh!

Eh, nang sabihin ni Reg na ang asawa na si Ogie Alcasid ang next ka-duet niya, si Jose Manalo naman ang pumapel bilang si “Ogie.”

Sa early part ng GMA Sunday variety show, game na nagpaunlak si Regine ng sigaw na, “Wooohhh!!!” na trade mark ni Paolo Ballesteros sa kalyeserye ng Eat Bulaga bilang si “Regine.”

Guest si Songbird sa SP dahil sa promotion ng concert niya na Regine At The Theater sa Solaire Resorts and Casino na magsisimula sa Nov. 6 and 7 and then sa Nov. 20 and 21. Remember, ang SP ang show na tinanggihan ni Regine bilang suporta sa mga kaibigan at kasama sa pinalitan nitong Sunday All Stars.

Wally tiniklop ang ibang komedyanteng pa-intelektuwal

Kinabog lahat ni Wally Bayola ang mga komed­yanteng lalaki na nagsusuot babae! Siya ang isa sa lubos na hinahangaan sa Ang Tamang Panahon dahil sa one man show sa programa nang pagpalit-palitin ang hitsura nila bilang Lola Nidora, Duriz, at Riyahana.

Kaya naman tiklop ngayon ang mga komedyante kay Wally sa ta­lentong ipinakita nu’ng show na ‘yon. Eh sa Sunday PinaSaya, iba-iba ring characters ang ipinakikita ni Wally and yet, consistent ang akting niya.

May isang komedyante nga na magaling ding umarte nang babae, pero mahina ang PR niya sa press kaya walang masyadong nag-a-appreciate ng galing niya. Eh masyado ring pa-intelektuwal ang jokes niya kaya madalas na hindi na ito bumebenta pa, huh!

Ngayong napatawad na ng mundo si Wally dahil sa galing na pinamamalas sa kalyeserye at sa Sunday PinaSaya, hinog na si Wally upang magbida sa movie kasama sina Jose at Paolo, huh!

 

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANG TAMANG PANAHON

DAVAO CITY

EAT BULAGA

FANTASTIC BABY

JANNO

JANNO GIBBS

WALLY

WALLY BAYOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with