^

Pang Movies

Mga nasalanta ng Lando maaambunan ng kinita sa Tamang Panahon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kumita ng P14 million mula sa ticket sales ang show ng Eat Bulaga noong Sabado.

Ang original plan, ipagpapatayo ng mga school library ang kikitain mula sa big show sa Philippine Arena pero nagbago ang desisyon ng mga produ ng Eat Bulaga.

Bukod sa mga school library na ipapagawa ng TAPE Inc., tutulungan din ng Eat Bulaga ang mga kababayan natin na nasalanta ni Typhoon Lando. How noble ‘di ba?

Kaya sa mga nagtataray dahil may entrance fee ang show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena, alam n’yo na ang dahilan ‘no? Hindi na nga kayo nakatulong, nagtaray pa kayo.

Natulog pala si Alden Richards sa Philippine Arena noong Biyernes ng gabi dahil kinunan pa ang mga eksena niya na ipalalabas kinabukasan sa Eat Bulaga.

Katulad ng kuwento, hindi problema ang mga silid pahingahan sa Philippine Arena dahil parang hotel ito.

Kabadung-kabado naman si Maine Mendoza bago siya lumabas sa stage dahil first time niya na magpe-perform sa harap ng libu-libong mga tao.

Pero hindi halata ang nerbyos ni Maine nang kumanta at sumayaw siya. Komportableng-komportable si Yaya Dub kaya na-realize ng Philippine Arena audience na pang-showbiz talaga siya at dumating sa kanya ang malaking break sa tamang panahon.

Showbiz personality inaabangan na ang pagsabit sa kasikatan ng AlDub

Quiet ang isang showbiz personality as in no comment siya sa phenomenal success ng AlDub.

Pero kung kilala natin ang showbiz personality, tiyak na inggit na inggit na ito at gusto nang makisawsaw sa popularidad ng AlDub bilang ugali niya na dumikit sa mga sikat para mapag-usapan din siya.

Malay natin, may mga binabalak na rin ang showbiz personality para mahawahan siya ng kasikatan ng AlDub. ‘Yun nga lang, baka mahirapan siya na makadikit kina Alden Richards at Maine Mendoza dahil knows na ng mga tao sa paligid ng AlDub ang gimik at modus operandi niya bilang may bad experience na sa kanya noon.

Tatay ni Alden, may sarili nang fans club!

May sariling hukbo ng fans ang tatay ni Alden Richards na si Richard Faulkerson, Sr.

Marami ang nagpakuha ng picture na kasama ang tatay ni Alden nang ma-sight ito ng fans sa Philippine Arena.

Kahit hindi siya nakausap ng mga reporter, kitang-kita ang happiness sa mukha ni Richard Sr. dahil sa magagandang nangyayari sa career ng kanyang anak.

Maaga na nabiyudo ang fadir ni Alden kaya marami ang nagtatanong kung nakatagpo na siya ng bagong mamahalin dahil may mga gustong mag-apply.

Sinamantala ni Richard Sr. ang pagkakataon dahil nag-request siya ng photo op na kasama si Lola Nidora.

In full force rin sa Philippine Arena ang buong pamilya ni Maine Mendoza. Maligayang-maligaya rin ang mga magulang ni Maine sa suwerte na dumapo sa kanilang anak.

Alden at Yaya Dub, hindi muna natulog pagtapos ng Tamang Panahon

Nasorpresa si Alden Richards sa segment kahapon ng Sunday PinaSaya dahil hindi niya expected na si Yaya Dub ang nasa kabilang linya ng telepono.

Nagpasalamat si Yaya Dub kay Alden dahil sa sapatos na ibinigay sa kanya nang magkita sila sa Philippine Arena noong Sabado.

Hindi makapaniwala si Alden sa sorpresa sa kanya ng Sunday PinaSaya staff. Pareho raw sila ni Yaya Dub na hindi kaagad nakatulog noong Sabado nang gabi dahil sa mga pangyayari sa Eat Bulaga.

vuukle comment

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

ARENA

DAHIL

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

MGA

PHILIPPINE ARENA

SIYA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with