^

Pang Movies

Todo rehearsal Alden at Maine magkasama nang matulog sa Philippine Arena

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

All roads lead to Ciudad Victoria, Bocaue and Sta. Maria, Bulacan sa Philippine Arena, ang pina­kamalaking indoor arena na siyang pagdarausan ng pinakamalaki at pinakahihintay na araw ng AlDub Nation nina Alden Richards at Maine Mendoza, aka Yaya Dub.  

Titled Eat Bulaga: Sa Tamang Panahon, ito na ang katuparan ng mga wish   ng fans hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, na makita nila nang personal ang araw-araw na pinapanood nila sa telebisyon, ang kalyeserye na nabuo ng mga hosts ng Eat Bulaga at ng tatlong kinilalang lola, sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paulo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), at ng nabuong phenomenal love team nina Alden at Yaya Dub. Kaya naman ang buong staff at hosts ng Eat Bulaga ay kahapon pa nasa malapit sa venue para hindi sila mahirapan at matrapik dahil magsisimula ang show ngayong umaga at 10:00 a.m. with invited guests, pero ang regular show ay mapapanood simula ng 11:30 a.m. sa GMA 7.

Alam ba ninyong ngayong araw na ito, October 24, ang 100 araw na ng love team na nagsimula noong July 16, 2015?  Noong Thursday, ipinagdiwang na nila ang 14th Weeksary at noong October 16, ang kanilang 3rdmonthsary na kasama  ang AlDub Nation.  Kaya naman maraming nag-offer ng thanksgiving Mass para sa love team at sa success ng show.

Maraming ini-expect ang fans at libu-libong manonood here and abroad (dahil live din itong mapapanood sa GMA Pinoy TV).  Sabay na bang magpi-perform nang live sina Alden at Yaya? Wala na bang split-screen kisses? Magsasalita na ba si Yaya at magdu-duet na sila nang live ni Alden ng paborito nilang mga songs na Wish I May at God Gave Me You, dagdag pa ang Thinking Out Loud.  

Wala na ngang bawal kay Lola Nidora kaya nagtanong si Joey de Leon kung pwede na raw bang mag-kiss ng personal sina Alden at Yaya?  Sagot ni Lola, bahala na sina Alden at Yaya kung ano ang gusto nilang gawin pero tandaan nilang hindi sila dapat lumampas sa kagandahang-asal.   

Ayon kay Joey, sila man ay hindi nila alam kung ano ang pwedeng mangyari dahil may guide lamang sila sa magaganap, pero na kina Alden at Yaya na lamang kung ano ang gagawin nila, basta ang buong Dabarkads ay magiging saksi na lamang, kasama ng AlDub Nation.

Tiyak na magiging mahirap ang paglabas mula sa venue papunta sa inyu-inyong mga sasakyan, at sa trapik na mararanasan. 

Si Alden ay may dalawang events na pupuntahan pagkatapos ng Eat Bulaga kaya nagmagandang-loob ang nag-imbita sa kanya na susunduin siya ng chopper sa Philippine Arena patungong Marikina at pagkatapos ay dadalhin pa rin siya ng chopper papunta naman sa Alabang Town Center, para hindi siya mahuli sa dalawang okasyon.

Ngayon pa lamang, congratulations na sa TAPE, Inc. at sa lahat ng nasa likod ng Eat Bulaga sa pagpapasaya ninyo sa lahat ng mga tumatangkilik sa kalyeserye sa Pilipinas at sa ibang lugar sa buong mundo.

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

BOCAUE AND STA

CIUDAD VICTORIA

EAT BULAGA

NBSP

PHILIPPINE ARENA

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with