^

Pang Movies

Female celebrity na mahadera at ingrata, nilayasan ng make-up artist at stylist

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Marami ang na-turn off sa pagiging mayabang ng female celebrity na ito.

Lahat nga raw ng mga taong dati ay concern sa kanya ay wala na sa kanya dahil sa biglang pag-iba ng ugali nito.

Kung noon daw ay panay ang pasalamat nito sa mga taong nagdadamit sa kanya, ngayon ay parang may utang na loob ka pa sa kanya kapag sinuot nito ang damit mo.

Ang dating naaaliw sa kanya na stylist ay umalis na sa female celebrity dahil hindi na nito matagalan ang biglang pag-iba ng ugali nito.

Hindi na nga mukhang sosyal ang female celebrity ngayon dahil wala na ang stylist na nagpapaganda sa kanya.

Kaya ang mga suot na ni female celebrity ay ang mga sarili niyang damit at sapatos dahil ayaw na siyang damitan na ng dating stylist nito.

Nung umalis ang stylist ay umalis din ang nagme-make-up at nag-aayos ng buhok ni female celebrity. Nagtiis lang daw ang mga ito dahil sa stylist na kaibigan nila.

Kaya noong umalis ito, umalis na rin sila dahil hindi nila type ang masamang ugali ni female celebrity.

Ngayon raw ay balik sa sariling pag-make-up at pag-ayos ng buhok niya si female celebrity.

Yaman din lang at kuripot siya sa pagbayad sa mga dating nag-aayos sa kanya, siya na nga lang ang umasikaso sa sarili niya.

At lately naman daw ay nag-request daw ito ng sarili niyang dressing room. Ayaw daw kasi ni female celebrity na may ka-share sa dressing room. Ayaw daw nito na may maingay at mga nagpapa-picture sa kanya na mga fans.

Pero hindi nga mapagbigyan ang gusto nito dahil puno ang lahat ng dressing rooms.

Lahat daw ay nagse-share ng mga dressing rooms kaya matuto na lang daw siyangmakisama.

Kris hindi tinantanan si Nora sa pag-selfie

Kahit na inabot ng siyam na buwan bago ulit magbida ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa isang teleserye, sulit naman daw ang paghihintay niya dahil bigatin ang mga co-stars niya sa bagong aabangan na teleserye ng GMA-7 na Little Mommy.

Inamin ni Kris na na-starstruck siya kay Superstar Nora Aunor noong magkaroon sila ng story conference at pictorial para sa kanilang teleserye.

“Oo naman! Sino naman ang hindi mai-starstruck, e Superstar ‘yan. Si Ms. Nora Aunor ‘yan at makakasama ko siya sa isang teleserye.

“Talagang hindi ko pinalagpas na magpa-selfie sa kanya!” masayang pahayag pa ni Kris.

Pinagdasal nga ni Kris na mabigyan siya ng te­leserye na muling matsa-challenge siya at makasama niya ang mga mahuhusay na artista.

Huling napanood si Kris sa primetime teleserye na Hiram Na Alaala.

“Natutuwa lang ako kasi kahit na matagal ako naghintay for a new teleserye, heto at ang ganda naman ng role na binigay sa akin sa Little Nanay.

“Tapos hindi lang si Ms. Nora Aunor ang kasama ko kundi pati si Mr. Eddie Garcia.

“Si Tito Eddie, nakatrabaho ko na siya before sa Koreana in 2010.

“Tapos first time ko ring makatrabaho si Ms. Sunshine Dizon. Isa siya sa hinahangaan kong artista noong sumali ako sa Starstruck.

 “Kaya ang suwerte ko na napasama ako sa teleserye na ito,” masayang kuwento pa ni Kris.

Sylvester Stallone ipinasusubasta na ang props at costumes sa Rocky at Rambo

For public auction ang mga costumes at props na ginamit ng Hollywood star na si Sylvester Stallone sa mga pelikula niyang Rocky at Rambo.

Magaganap ang auction sa Los Angeles in December at ang proceeds ay mapupunta sa isang charity fund para matulungan ang ilang veterans.

Ang pinaka-top valued items ay ang boxing gloves at championship belt na ginamit sa pelikulang Rocky II kung saan ginampanan ni Stallone ang role na Rocky Balboa.

Ayon sa Heritage Auctions, makakakuha sila ng bid as high as $500,000.

Kasama rin sa ipapa-auction ay ang handwritten script ni Stallone, ang leather jacket mula sa pelikulang Rocky at ang white robe mula sa pelikulang Rocky IV.

Also for auction ay ang army jacket from the movie First Blood at ang helmet, boots at shoulder armour na ginamit sa pelikulang Judge Dredd.

 “I thought other people would really appreciate them. So, rather than keep them in the dark (in storage) and just forget about them, I thought, let me just pass them on,” sey pa ni Stallone.

Isinama rin ni Stallone para sa auction ay ang Eye of the Tiger jacket niya from the movie Rocky II, ang motorcycle from Rocky III at ilang mga memorabilias from The Expandables movies.

Ayon pa kay Greg Rohan, president ng Heritage Auctions: “These items include some of the iconic, cultural symbols of clothing and props from his most famous and loved action films.”

vuukle comment

ACIRC

ANG

CELEBRITY

DAHIL

DAW

FEMALE

HERITAGE AUCTIONS

HINDI

KANYA

KAYA

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with