^

Pang Movies

Dahil sa kanong BF, Pokwang binagayan ng pagiging Malou Wang!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil may American boyfriend na si Pokwang, swak na swak sa kanya ang pangalan ng karakter niya sa Wang Fam ng Viva Films, ang Malou Wang.

Matagal na walang lovelife si Pokwang hanggang dumating sa buhay niya si Lee O’Brian, ang kanyang current inspiration at baka future husband na rin dahil in love na in love sila sa isa’t-isa.

Walang kiyeme na inamin ni Pokwang sa presscon kahapon ng Wang Fam na bagay sa kanya ang name na Malou Wang at huwag n’yo nang itanong kung bakit. Ang hindi makahula, walang sense of humor.

Aga magbabalik-Kapamilya na?!

May nagkuwento sa akin na umani si Aga Muhlach ng masigabong palakpakan nang umapir siya sa stage nang haranahin niya si Mama Charo Santos-Concio sa 60th birthday celebration nito sa Edsa Shangri-La Hotel noong Martes nang gabi.

Kasama si Aga sa leading men na kinabibilangan nina Ri­chard Gomez at Piolo Pascual na humarana kay Mama Cha­ring.

Ang sey ng source ng PM, si Aga ang pinakahuling umapir sa stage at mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga bisita.

Parte si Aga ng success ng ABS-CBN bago siya lumipat sa TV5. May mga nagtatanong kung hudyat ba ng pagbabalik ni Aga sa Kapamilya Network ang pagdalo niya sa birthday ni Mama Charing?

Malalaman natin ang sagot sa tamang panahon.

Dabarkads kasado na para sa Tamang Panahon!

Bukas na ang much awaited Tamang Panahon show ng Eat Bulaga sa Philippine Arena.

Handang-handang na ang Dabarkads at ang production staff ng Eat Bulaga sa biggest show ever ng number one noontime show ng bansa.

Sa 36-years na pamamayagpag ng Eat Bulaga, bukas pa lamang ito magkakaroon ng pagtatanghal sa isang indoor arena na may 55,000 seating capacity.

Matutulog ngayong gabi sa venue ang production staff ng Eat Bulaga dahil super aga ng calltime nila bukas. Hindi problema ang mga tulugan sa Philippine Arena dahil para itong hotel na maraming silid pahingahan.

I should know dahil natulog sa Philippine Arena ang production staff ng Viva Films noong bisperas ng bonggang premiere ng Felix Manalo. 

Hindi kasi praktikal kung babalik pa sila sa Metro Manila dahil maulan noon ang panahon at para makaiwas sila sa trapik.

Maganda naman ang naging resulta ng overnight stay sa Philippine Arena ng Viva Films people dahil nakapahinga sila at super successful ng red carpet premiere na gumawa ng kasaysayan sa Guinness Records.

Alden namamayat na sa sobrang dami ng trabaho

Nagpapasalamat si Alden Richards sa lahat ng nagpapakita ng concern sa kalusugan niya.

Napapansin na kasi ang pagpayat ni Alden dahil sa sobrang dami ng kanyang mga raket. Pati ang eyebags niya, napupuna na rin.

Sinasamantala ni Alden ang pagkakataon dahil bihirang dumating sa isang artista ang malala­king oportunidad. Can’t afford si Alden na maging choosy dahil katuparan ng kanyang pangarap ang mga nangyayari sa career niya. Ang tagal kaya ng paghihintay ni Alden?

Kabaligtaran siya ni Maine Mendoza na biglang sumikat nang todo at walang kahirap-hirap ang pagpasok sa showbiz. Malaki talaga ang dapat na ipagpasalamat ni Maine sa Eat Bulaga.

vuukle comment

ACIRC

AGA

ANG

DAHIL

EAT BULAGA

MALOU WANG

PHILIPPINE ARENA

POKWANG

TAMANG PANAHON

VIVA FILMS

WANG FAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with