^

Pang Movies

Nasa tabi-tabi lang daw ang pag-ibig, Jessy ayaw nang pag-usapan si JM

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ayon kay Jessy Mendiola, sobrang preparations daw talaga ang ginawa niya para sa bago niyang teleseryeng You’re My Home kasama sina Richard Gomez and Dawn Zulueta.

Bukod sa magagaling ang mga kasama niya, ayon kay Jessy ay nai-starstruck pa siya kay Richard and Dawn.

 “Pero pag-umaarte na silang dalawa na magkasama, doon ka talaga magugulat. So, ikaw, kailangan hindi ka talaga lulutang-lu­tang sa set, kailangan ikaw din sasabay sa kanila,” say ni Jessy sa presscon ng said drama series held last Wednesday night.

Sobrang thankful lang daw siya talaga na nakasama siya sa serye at magkaroon ng chance na makatrabaho ang CharDawn.

Sa trailer pa lang ng You’re My Home ay makikita na agad ang lalim ng acting ni Jessy dito kaya naman natanong siya kung ano ang inspiration niya at kung saan siya humugot.

 “Sa story pa lang namin dito malalim na paghuhugutan ko kasi ako mapagmahal na anak so siguro I just put myself in the position kung pano kung mawalan ako ng kapatid, ganun lang lagi. Madali lang humugot kapag tungkol sa pamilya kasi mahal na mahal mo ‘yung pamilya mo. So pag dito, siguro, ‘yun ‘yung lumabas,” pahayag ni Jessy.

Ang pahayag na ito ng young actress ay nasundan ng tanong kung hindi ba siya nawawalan ng pag-ibig na panghuhugutan.

 “Ang pag-ibig, lagi namang present ang pag-ibig sa pamilya, so hindi naman. Hindi naman nawawala ang pag-ibig, lagi namang nandiyan ang pag-ibig,” safe na sagot ni Jessy.

‘Yung pag-ibig na labas sa pamilya?

“Nandiyan nga lang ‘yun sa paligid, nasa tabi-tabi lang. So, huwag na po na­ting masyadong pag-usapan,” sagot ni Jessy.

Of course, ang pag-ibig na tinutukoy ng nagtanong ay si JM de Guzman na ang tsika nga ay break na sila pero may nagsasabi namang sila pa rin.

When asked kung kumusta na siya ngayon, say niya, “okay naman po, humahaba na ang buhok ko, saka finally po, eere na po ang soap namin,” paiwas na naman niyang sagot.

Magsisimula na ang You’re My Home sa November 9 sa primetime slot ng ABS-CBN at kasama rin dito sina JC de Vera, Sam Concepcion, Assunta de Rossi, Joebel Salvador, Tonton Gutierrez, Minnie Aguilar, Diana Zubiri, , Mika Dela Cruz, Peewee O’Hara, Belle Mariano at Bugoy Carino mula sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng sa ilalim ng pamamahala ni business unit head Malou Santos.

Dahil sa parehong humor Richard at Dawn nag-level up na ang ‘relasyon’!

Ang lakas maka-bagets talaga ng tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta dahil sa presscon na You’re My Home, ang dami nilang fans na dumalo at panay ang sigawan sa loob ng Dolphy Theater kung saan ginanap ang event.

Hitsura ng loveteam ng KathNiel, JaDine, KimXi at LizQuen sa lakas ng tilian sa kanila ng kanilang supporters.

Siyempre, overwhelmed ang dalawa na hanggang ngayon talaga ay napakarami pa rin nilang fans na talagang naghihintay ng muling pagsasama nila sa small screen after Walang Hanggan in 2012.

Abut-abot din ang pasasalamat ng CharDawn dahil ang pelikula nilang The Love Affair with Bea Alonzo ay kumita ng 315M sa takilya.

Sa You’re My Home ay gagampanan nila ang role na mag-asawa na naghiwalay nang mawala ang isa nilang anak na si Vince na ga­gampanan ni Raikko Matteo and later by Paul Salas.

Siyempre, sa presscon ay hindi maiwasang mapag-usapan na naman ang kanilang nakaraan kahit na nga alam naman nating lahat na happily married na sila sa kani-kanilang asawa.

One thing kasi na kapuri-puri sa kanila is that they manage to remain friends kahit ex-lovers sila dahil hindi naman ito madaling gawin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA ALONZO

BELLE MARIANO

BUGOY CARINO

DAWN ZULUETA

JESSY

MY HOME

NAMAN

NBSP

PAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with