^

Pang Movies

Yummy lang sa malayuan hunk model isinusumpa ng mga babae at bading na nakatsugian dahil sa mala-bugok na itlog na amoy

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Bumida sa isang malaking event kamakailan ang hunk model na dahil sa pagrampa nito.

Nagtilian ang mga babae at mga binabae sa naturang venue nang lumabas ang hunk model. Artistahin kasi ang dating ni hunk model.

Pero ayon sa isang reliable source, okey daw sa malayuan ang hunk model. Pero sa malapitan ay halos hindi mo raw masikmura ang amoy na lumalabas sa katawan niya.

Varsity player sa kanyang school ang hunk model noon.

Pero ang mga nakatikim na raw sa hunk model ay hindi na umuulit dahil sa kakaibang amoy meron ang ito.

Tsika ng aming source: “Kuwento ito ng isang friend kong girl na nakatsugian ni hunk model. Okey naman daw ito sa simula. Mabango naman. Pero kapag sinimulan na raw itong pawisan, iba na raw ang nagiging amoy nito. Kahit nga raw ang mga kamay nito ay may maaamoy kang hindi maganda.

“Sa una raw ay tolerable, pero kapag tumagal na ang pawis nito sa buong katawan, sumasama na raw ang amoy.

“Ang pinaka-close na description ng friend ko sa masamang amoy ay parang bugok na itlog.

“Kaya turned off na ang friend ko dahil kahit guwapo at maganda ang katawan ni hunk model, kung ang amoy ay gano’n, hindi na siya talaga babalikan pa.

“Gano’n din ang karanasan ng iba pang girls sa kanya. Kahit nga raw ang ilang bading na nahada si hunk model noon, na-smell nila ang hindi kanais-nais na amoy!”

Sana raw ay nagamot na ang masamang amoy sa katawan ni hunk model dahil iyon lang daw ang problema sa kanya.

Hinala ng aming source ay nasa nakasanayan nang kainin ni hunk model kaya may masamang amoy ito sa katawan.

Megan nagdadalamhati kaibigang si Miss Austria 2013 nahulog sa bangin habang nagdya-jogging

Nag-post ng isang malungkot na mensahe si Miss World 2013 at bida ng teleseryeng MariMar na si Megan Young sa kanyang Instagram account noong nakaraang October 20.

Mensahe ito ng pakikiramay dahil sa nasawing beauty queen na si Miss Austria 2013 na si Ena Kadic.

Isa si Ena sa nakalaban ni Megan para sa korona ng Miss World 2013 sa Bali, Indonesia.

Naging close nga si Megan at Ena kaya sobrang nagulat at nalungkot ito nang mabalitaan niya namatay ito dahil sa isang aksidente sa Austria.

Heto ang kanyang pinost na mensahe:

“Rest in peace my dear sister, Ena. She represented Austria in Miss World in 2013. It really saddens me that such a tragic accident had to happen to such a beautiful soul. I am thankful I got to meet you in Bali and stand on the same stage as you. You were a kind hearted and lovely lady. Batch 2013 won’t be the same. Bless your soul, Ena.”

Nasawi ang 24-year old former beauty queen nang aksidente itong mahulog sa bundok habang nagdya-jogging noong nakaraang October 19.

Ayon sa report ng Mirror Online last October 20, regular na nagdya-jogging si Ena sa Bergisel Mountain na nasa hometown nito na Tirol in Austria.

Aksidenteng nahulog ng higit na 30 meters mula sa path na nakasanayan nang takbuhin ng former beauty queen.

Nag-suffer ito ng serious head trauma at injuries sa kanyang lungs at pelvis. Dinala si Ena via air ambulance sa isang ospital sa Innsbruck University.

Nagawa pa raw tawagan nito ang kanyang kapatid na lalake para sabihin na naaksidente siya. Pero bigla na lang daw itong nawalan ng malay.

Sumakabilang-buhay ito noong umaga ng October 20.

Nanalo bilang Miss Austria noong 2013 si Ena at tinalo niya ang 17 other contestants.

Pagkatapos niyang makauwi from Miss World, bihira na raw itong makita sa publiko.

Pinay group na 4th Power nakalusot sa challenge ng X-Factor UK, Pinay misis hindi pumasa kay Simon Cowell

Kung sinuwerte ang Pinay group na 4th Power at nakapasa sa Six Chair Challenge ng The X-Factor UK, minalas naman ang isa pang Pinay na si Neneth Lyons.

Kahit na nakatanggap ng malakas na palakpakan mula sa audience si Neneth dahil sa rendition niya ng One Moment In Time ni Whitney Houston, hindi nito na-impress ang apat na judges na binubuo nila Simon Cowell, Rita Ora, Cheryl Fernandez-Versini at Nick Grimshaw.

Kaya nagpaalam na ito sa naturang contest.

Noong nakaraang buwan ay namangha ang apat na judges sa 47-year old Pinay housewife dahil sa pag-awit nito ng Somewhere.

Agad siyang pumasa para makasama sa Boot Camp round kung saan nakasama niya ang 4th Power at ibang contestants para mag-perform ng Proud Mary.

Pero sa Six Chair Challenge nga hindi pumasa si Neneth.

Ayon pa kay Simon Cowell: “Neneth, I thought that this was going to be a big moment, and it wasn’t…I’m not going to give you a chair.”

vuukle comment

ACIRC

AMOY

ANG

ENA

HUNK

ITO

MISS WORLD

MODEL

PERO

PINAY

RAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with