^

Pang Movies

Tetay-Bistek sa drawing ang ending

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Maraming tagahanga ang nabitin noong ibanderang hindi na matutuloy ang tambalang Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista. Sa kabila ng ingay na tuloy ang tambalan ng dalawa, nauwi sa drawing ang lahat nitong mga nakaraang araw. Matagal ding pinanabikang mapanood muli si Bistek ng kanyang mga tagahanga, kaso hindi na nga ito matutuloy.

Noong nakapanayam namin si Mayor Bistek, naguguluhan din siya sa palaging balita na gagawa sila ni Tetay ng pelikulang pang-MMFF (Metro Manila Film Festival). Maging ang producer ay naguluhan noong malamang hindi na matutuloy ang dalawa.

Sa isang banda, may nagkokomento na magandang hindi na ituloy ang tambalan ng dalawa lalo’t malakas ang makakasagupa nila particular na ang loveteam na JaDine at AlDub.

Balitang si Derek Ramsey na ang ipapalit kay Bistek. Sana naman magkatotoong si Derek nga ang makakapareha ni Tetay. Kung hindi, baka maging masamang senyales na huwag na lang ituloy ang movie.

Sabi nga ni Mayor, wala namang tumatawag sa kanya para i-verify kung totoong magtatambal sila ni Tetay at gagawin ang pelikula kahit noon pa man. Ngayon ay bising-busy na si Mayor dahil tatakbo siya uling mayor ng Q.C. Sa katapusang term na lang siya tatakbo bilang Senador, hinog na nga naman siya sa panahong iyon. Anyway, bata pa naman si Bistek.

Drew matibay ang sikmura sa kung anu-anong pagkain

Mabuti naman at hindi nasisira ang tiyan ni Drew Arellano sa rami ng food na tinitikman niya tuwing magbibiyahe sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Katulad noong magpunta siya ng Argao, Cebu, sangkatutak na pagkain ang nilantakan niya roon. Kumain siya ng kakao at tumikim ng lambanog na may halong cola.

Nagulat nga si Drew noong makita ang hapag-kainan ng isang resort na pinuntahan niya. Ipinasyal din si Drew sa iba’t ibang lugar tulad ng kweba na napakalalim na binabahayan ng mga paniki. Halatang mas enjoy si Drew sa kanyang show, kahit bihirang mapanood sa mga teleserye sa Kapuso. Mas malawak daw ang natutunan ng actor through travelling.

Maui hindi pa rin nagbabago ang katawan kahit dalawa na ang anak

Dalawa na ang anak ni Maui Taylor pero slim pa rin ang katawan nito noong mag-guest siya sa isang talk show sa Siyete. Naikwento ni Maui na maligaya siya sa kanyang buhay ngayon. Natagpuan na raw niya ang lalaking mamahalin. Kahit pala rich ang napangasawa ni Maui, hindi ito bumibili ng mga bagay na hindi naman kailangan.

Natutuwa si Maui para sa kasamahan niya sa Viva Hot Babes na si Andrea del Rosario na running for Vice Mayor sa Calatagan, Batangas.

Direk Roi kabisado na ang akting ni Miggs

Ipinatawag talaga ni Direk Roi Vinzon si Miggs Cuaderno noong mangailangan ng isang batang magaling umarte para sa horror movie ng IV production na pinagbibidahan ni Kate Brios katambal si Jestoni Alarcon. Ginampanan ni Miggs ang anak ng isang babaeng OFW na naging biktima ng aswang na isinalin ng isang kasamahan ding DH sa Dubai. Kabisado na ni direk Roi ang acting ni Miggs dahil nakasama na niya ito sa isang teleserye noon sa Kapuso network.

vuukle comment

ANG

BISTEK

DEREK RAMSEY

DIREK ROI

DIREK ROI VINZON

DREW ARELLANO

HINDI

ISANG

MAUI

SIYA

TETAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with