^

Pang Movies

Edu makikipagtuos kay Sen. Ralph

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines –   Humabol talaga si Congressman Manny Pac­quiao sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa Comelec, Intramuros kahapon, huh! To think na nitong nakaraang mga araw, nasa New York City siya upang tanggapin ang isang special award kung saan kilalang internatio­nal figures ang ka-level niya sa pagtanggap ng award.

Gaya ng sinabi noon ni Gov. Chavit Singson sa entertainment press na bumisita sa kanya sa Vigan City, sinuportahan niya ang kaibigan sa filing ng COC. Present din ang wife ni Pacquiao na si Jinkee at ilang mga anak.

Pasok din sa senatoriables si Edu Manzano na kahapon din nag-file ng COC bilang senador. Independent ang pagtakbo ni Doods at kasama niya sa Comelec si Luis Manzano at ilang mga anak. Indirectly, isa si Edu sa makakalaban ni Senator Ralph Recto sa senatorial position.

Hindi rin nagpahuli si Manila Vice Mayor Isko Moreno na kahapon din nag-file ng COC sa pagka-senador.

Sa totoo lang, star-studded na naman 2016 elections hindi lang sa national positions kundi maging sa local slots din.

Kahapon nag-file si Gov. Vilma Santos-Recto bilang Congresswoman ng Lipa. Balik-pulitika rin si Gov. ER Ejercito na babawiin ang nawalang posisyon bilang Laguna Governor.

Sa QC, ang mga artistang lalaban sa 2016 ay sina Mayor Herbert Bautista, Roderick Paulate, Congressman Alfred Vargas, Konsehal Anjo Yllana habang sa Pampanga, target ng senador na si Lito Lapid ang pagiging mayor ng Angeles City.

Hay, hindi talaga nalalayo ang showbiz at pulitika, huh!

Showtime magpapasikat sa mga Cebuano

Giyera na naman ngayon tanghali ng noontime shows! Biyaheng Cebu ngayon ang It’s Showtime habang sa Broadway Studio naman ang Eat Bulaga.

Eh, hindi lang kasi Bulaga ang namamayagpag sa Visayas kundi maging ang ilang shows ng GMA Network, huh!

Pero siyempre, cool lang ang Eat Bulaga. Isa sa panlaban na segments bukod sa kalyeserye ay ang launching ng bagong album ni Alden Ri­chards na naglalaman ng mga kantang Wish I May at ang signature song ng AlDub loveteam na God Gave Me You.

Inaabangan siyempre kung ano ang sorpresang hatid ng kalyeserye. Kahapon ang 13th monthsary ng AlDub.  As of this writing, hindi pa umeere ang kalyeserye so hindi namin napanood kung nakabalik na si Maine Mendoza aka Yaya Dub galing sa bakasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ALFRED VARGAS

ALIGN

ANG

ANGELES CITY

ANJO YLLANA

EAT BULAGA

LEFT

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with