^

Pang Movies

Hari at reyna ng zumba nagtagpo for the very first time!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Naganap nung Biyernes, sa ZSTAR Ball ang kauna-unahang pagtatagpo ng Recording Artist at Zumba instructor na si Ron Antonio at ang Dance Diva na si Regine Tolentino. Si Ron ay naimbita para dumalo at mag-perform sa nasabing okasyon. Ito ang pagsasama-sama ng mga Zumba Instructors at ng mga mahihilig sa Zumba. Kasama rin ang ilang mga celebrities. Dumalo din sa okasyon ang mentor at idol ng lahat ng mga Zumba Instructors na si Prince Paltu-ob at ang maybahay na si Madelle. Sobrang ganda ang pagkakagawa ng event, punum-puno ng tao at hanep sa galing ang mga performances lalo na ang opening number ni Regine Tolentino at ang song and dance number ni Ron Antonio na tunay na kinagiliwan ng lahat.

Kapansin-pansin din ang pagiging warm at gracious ni Ms. Regine sa pagpapakilala at pagbibida niya kay Ron Antonio na ikinatuwa naman ng binata. Ang kinaaabangan ng lahat ay ang pagsasama ni Ron at Regine sa isang event dahil na rin sa interest ng dalawa na makatrabaho ang isa’t isa. Perfect combination wika nga - isang gwaping at matipunong singer at ang napakaganda at seksing sexy celebrity actress na isa ring Zumba instructor, wika nga ng RonGine, Pwede!

Abangan ang Celebrity Zumba Instructor na si Ron Antonio sa isa na namang napakasayang Zumba Party - Hataw, Sayaw, Galaw ni Marc Almario sa Cavite sa V Central Molino Mall sa Sabado, alas-5:30 ng hapon. Tiyak na dudumugin ito ng mga Zumba enthusiasts dahil bahagi si Ron ng event. Aabangan ng mga tao ang pagkanta ni Ron, sabay ang tugtog ng musika habang nagzu-Zumba. Para sa pagreserba ng tiket, tumawag sa 09359606463 (Hanapin si Marc).

vuukle comment

ANG

CELEBRITY ZUMBA INSTRUCTOR

DANCE DIVA

MARC ALMARIO

MGA

MS. REGINE

REGINE TOLENTINO

RON

RON ANTONIO

ZUMBA

ZUMBA INSTRUCTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with