^

Pang Movies

Manay Lolit unti-unting ibinubuking ang detalye ng kasalang Vic-Pauleen

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binibisto nang unti-unti ni Manay Lolit Solis ang ilang detalye sa kasal ang alagang si Pauleen Luna kay Vic Sotto kahit na nga wala pang final date ng wedding nila next year.

Sa pahayag ng isa sa hosts ng CelebriTV, isa si Joey de Leon sa magiging ninong nina Bossing at Poleng. Imbi­tado rin daw sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros na may sorpresang gagawin sa isusuot sa kasal.

Bukod sa balita kina Vic at Pauleen, inanunsyo rin ni Manay ang pagtakbo ng alagang si Daisy Reyes sa Pasig City bilang Mayor.

Kasalukuyan siyang konsehal at natutuwa siya sa alaga dahil sa tagumpay niya sa larangan nga­yon ng pulitika.

Melai ‘di natabunan ang galing ni Jennylyn!

Nagnakaw man ng ilang eksena si Melai Cantiveros sa pelikulang The Pre-Nup na nagkaroon ng premiere night last Tuesday sa SM Megamall Cinema 7, hindi sapat ‘yon upang ma­tabunan niya ang galing ng bidang si Jennylyn Mercado.

Consistent kasi si Jen sa simula sa mga eksenang nakakatawa hanggang sa pagpapakilig sa eksena nila ni Sam Milby sa New York City.

Then, nang magkaroon na ng problema sa relasyon nila ng aktor pagbalik ng Manila, ramdam na ramdam naman ang emosyon niyang umiiyak at nagdadalamhati sa nangyari sa kanila.

Sa kabuuan, naitawid ng director na si Jun Lana ang layunin ng movie na maibahagi ang tungkol sa pre-nuptial agreement sa masayang paraan.

Magagaling din kasi sina Jaclyn Jose at Freddie Webb na lumabas na b­ilyonaryong magulang ni Sam.

Sinangkapan pa ito ng nakakatawang acting ng lumabas na kapatid na bading ni Sam na si Neil Coleta.

Sa parte naman ni Sam, lumutang din ang malaking improvement sa akting niya at ‘yung mga sundot niya ay bentang-benta sa mga nanood.

Sa mga mahihilig sa masaya panoorin at sa mga romantikong tao, sagot ang The PreNup sa hinahanap ninyong panoorin!

After ng The Pre-Nup, magbabalik naman ang screen loveteam nina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa No Boyfriend Since Birth na si Joey Reyes ang director.

Vilma at Sharon nanguna... Comelec kinuyog ng mga artista

Kasama ni Senator Kiko Pangi­linan ang buong pamilya sa pag-file ng certificate of candidacy kahapon sa Comelec, Manila bilang senador.

Sinuporthan siya ng asawang si Sharon Cuneta at mga anak na sina Frankie, Miel at bunsong si Miguel.

Kahapon din nag-file si Congressman Roman Romulo na senador ang puntirya sa 2016. Kasama niya ang asawang si Shalani Soledad at father na si dating DFA Secretary Alberto Romulo. Ayon sa report, nasa partido siya ng presidential bet na si Senator Grace Poe. Waiting na ang lahat sa araw ng filing ng COC ng senadora.

Nag-file na rin ng COC ni Senator Ralph Recto na sinamahan ni Governor Vilma Santos-Recto at anak na si Ryan Christian Recto.

Ang ilang pang prominenteng personalidad na naghahangad ng u­puan sa Senado na nag-file ng COC kahapon ay sina Alma Moreno, Migz Zubiri, Mark Lapid, Risa Hontiveros at iba pa.

vuukle comment

ACIRC

ALMA MORENO

ANG

CARLA ABELLANA

COMELEC

CONGRESSMAN ROMAN ROMULO

DAISY REYES

FREDDIE WEBB

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

JACLYN JOSE

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with